Chapter 12 Mision ✔

111 55 15
                                    

Chapter 12: Mision

Mira's P. O. V.

"Kelby" sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkakasabi ko kaya napa tingin siya sa akin. Halata naman na medyo nagulat siya ng makita ako. Pero hindi nagtagal ay nakabawi din siya at binigyan niya ako ng ngiti na matagal ko ng hindi nakikita.

"Mr. Kelby tinatanong kita kung nasan ang lider ng Aqua? " tinig ng isang morgance na nasaharapan naming lahat. Kaya nabaling sa kanya ang atensyon ni Kelby. Nanatili naman akong nakatayo at tinignan ko lang siya habang naglalakad papunta sa isang Morgance. Siya yung babaeng nakausap namin nung naparusahan kami ng leader ng Omega.

"Mira, Mira kilala mo siya? " pangungulit sa akin ni Assana habang hinihila ang laylayan ng damit ko. Umupo naman ako dahil napansin ko rin na nakatingin na sa akin yung iba lalo na ang mga Aqua.

Pinilit akong magkwento ni Assana dahil halata naman na may pagtingin siya kay Kelby kaya ayun sinabi ko sa kanya lahat simula noong nasa mundo pa kami ng mga tao hanggang makapunta ako dito. Tuwang tuwa naman siya sa mga nalaman niya. Tumitili tili pa siya habang nagkukuwento ako. Nahinto lang kami dahil mag uumpisa na daw yung meeting. Wala naman kaming nagawa kundi ang makinig.

"Marahil ay nagtataka kayong lahat kung bakit nandito ang limang pinaka malalakas na grupo ng buong University. Alam ko na alam niyo rin na dalawang linggo nalang at sasapit na ang Avonmora (Evanmora) ang isa sa pinaka malaking okasyon ng ating paaralan. " pahayag niya sa aming lahat

Sinubukan kong makinig sa kanya pero hindi ko magawa ng maayos. Laging naagaw ni Kelby ang atensyon ko sa tuwing tumitingin siya sa gawi namin. Malapit kasi siya sa unahan kaya nakikita ko kapag tumutingin siya sa amin. Kaya imbis na makinig ay napupunta sa kanya ang atensyon ko.

Pero hindi, kailangan kong makinig. Ang gagawin naming ito ang maari siyang maging dahilan para makasali ako sa grupo ng Omega. Kahit ayaw ko silang makasama lalo na ang leader nilang mukhang sardinas ay wala akong magagawa dahil kailangan kong mapasama sa kanila dahil alam kong malaking tulong iyon sa akin.

Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa babaeng nagsasalita sa harapan namin. Pinilit kong huwag pansinin ang pagtingin tingin ni Kelby sa gawi namin dahil kailangan kong malaman ang sinasabi ng babae. Lalo na at bago sa akin ang lahat ng sinasabi niya.

"Alam naman na nating lahat na sa pagsapit ng Avonmora ay magaganap narin ang taunang paligsahan ng mga grupo na tinatawag na Eldoris. Dito susubukin kung gaano na kalakas ang grupo na kinabibilangan mo. At dito rin malalaman kung karapat dapat ba kayo sa katayuan na meron kayo" muling pahayag niya sa amin. Medyo naguluhan naman ako dahil hindi ko naman alam ang mga sinasabi niya.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now