Chapter 06 AdvaMetric ✔

163 62 17
                                    

Chapter 06: AdvaMetric

Mira's P. O. V

"Maligayang pagbati sa lahat ng mga estudyante na nandididto. Atin ng simulan ang taunang AdvaMetric sa Amphitrite University" anunsyo ng isang tinig at kasabay niyon ay ang malakas na sigawan ng lahat ng estudyante at ang sabay sabay na pagsugod ng mga halimaw.

Napaatras ako ng magsimula ng tumakbo ang mga halimaw patungo sa amin. Ang iba naman ay inihanda na nila ang kanilang sarili para sa pakikipaglaban. Kung tutuusin ay kakayanin ko namang makipagsabayan sa kanila pero hindi ko ginawa.

Hinayan ko lang silang makipaglaban sa mga halimaw ay ako naman ay pinag-aralan ko lamang ang paligid ko.

Karamihan sa amin ay nakikipaglaban gamit ang kanilang Adva pero may ilan din naman na katulad ko na nakatayo lang at pinagmamasdan ang lahat.

Inilibot ko ang aking paningin at napansin ko sa di kalayuan ang mga sandata na nakasabit sa pader. Kailangan ko munang makakuha niyon bago ako makipaglaban dahil hindi ko pa maaaring gamitin ang adva ko dahil mabilis na mauubos ang lakas ko.

Inihanda ko ang sarili ko at mabilis na tumakbo patungo sa mga sandata pero hindi pa ako nakakalayo ng may humarang sa aking isang halimaw. Masama ang tingin nito sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan.

Bahagya itong nakanganga sa akin kaya naman kita ko ang pagtulo ng malapot nitong laway. Kulay berde na ito kahit hindi ako lumapit ay alam ko na mabaho din iyon.

Napakunot pa ang aking noo ng makitang umuusok ang parte ng lupang pinagpatakan ng laway nito.

Mukhang masyadong hot ang halimaw nato. Laway palang nakakapaso na.

Bahagya akong napangiti sa aking iniisip at napailing dahil may kaharap na akong halimaw ay kung ano ano ang tumatakbo sa aking isipan.

Inayos ko ang aking sarili at hinarap ang halimaw. Mukhang mapapakinabangan ko na ang mga tinuro sa akin ni papa.

Sinugod ko ito at gayon din naman ang ginawa ng halimaw pero ng malapit na kaming magkasalubong ay agad akong lumiko at mabilis na tumakbo patungo sa mga sandata.

Hindi ko namalayan na habang tumatakbo ako ay malawak na ang aking pagkakangiti. Hanggang sa makarating ako sa pader kung saan nakasabit ang mga sandata ay nakangiti parin ako.

Mabilisan ko namang nilibot ang aking paningin para humanap ng magagamit. Nakakita ako ng mga pana pero hindi ko iyon pinansin dahil hindi ako sanay sa paggamit nito. Kahit ang ibat ibang uri ng espada ay nilagpasan ko lang din dahil ang gusto ko sana ay long range weapon ang pipiliin ko.

Napadako ang aking paningin sa pinaka huling hanay ng mga sandata at nakita ko doon ang isang pares ng boomerang. Kukunin ko na sana iyon para iyon ang gamitin ko pero nahinto ako dahil sa isang halimaw na papasugod sa akin.

Hinampas niya ang malaki niyang kamay sa akin kaya naman mabilis akong umilag. Tumama ito sa pader kung saan nakasabit ang mga sandata kaya nalaglag ang iba dito.

Mabilis akong lumayo sa kanya at kinuha ang dalawang maliit na kutsilyo. Inihagis ko ito sa kanya at rinig ko ang malakas niyang atungal dahil sa sakit.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinakbo ko na ang pinaglalagyan ng boomerang at kinuha ito. Kulay puti at tila may kakaibang desenyong nakaukit dito. Maytalim din ang bawat gilid kaya naman talagang namangha ako.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now