Chapter 03: Amphitrite University ✔

284 77 11
                                    


Chapter 03: Amphitrite University

Mira's P. O. V.

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko at iniisip ang mga sinabi ni mama kanina. Mag aaral ako sa Amphitrite University kung saan hindi normal ang mga estudyante. Mag-aaral ako sa isang school na ang pinag-aaralan ay kung pa-paano kontrolin at palakasin ang kanilang kapangyarihan. Hindi ko nga alam kung ano ang kapangyarihan ko o kung meron nga ba akong kapangyarihan. Kapangyarihang tinatawag nilang Adva at wala akong kaalam -alam dito. Ang sabi ni mama ay doon ko nalang daw malalaman ang lahat kaya wala akong nagawa kundi ang mag magtiis sa kakaunting detalye na binigay niya sa akin.

Ang sabi pa ni mama sa akin ay hindi ako pwedeng umuwi. May dorm daw kami doon at iyon ang ayaw na ayaw ko. Wala nga akong kaibigan doon o kahit na kakilala manlang. Baka naman pagtawanan lang nila ako pagnalaman nilang wala akong kapangyarihan. Sabi din ni mama hindi pa naman daw nag sisimula ang klase doon. Dalawang araw pa daw bago mag umpisa kaya naman makakahanap pa ako ng kaibigan ko at iyon ang pinaka imposible sa lahat. Kung si Chelsea nga na inabot ng mahigit isang buwan bago ko naging kaibigan dito pa kaya na dalawang araw nalang bago ang pasukan. Mukhang magiging mag-isa nanaman ako sa mahabang panahon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon palang kinakabahan na ako pano pa kaya bukas. Lord tulungan mo ako sa naman mababait yung mga ka-room mates ko o kaya yung mga magiging kaklase ko. Wahh kinakabahan talaga ako. Okay lang yan Mira kaya mo yan matulog kalang pag gising mo wala na yang kaba mo. Pa ngu-ngumbinsi ko sa aking sarili kaya naman natulog nalang ako.

★★★★★

"Anak bumangon ka na diyan maaga tayong aalis " pag gising sa akin ni mama pero hindi ko siya pinakinggan. Ang ganda kasi ng panaginip ko.

"Ma saan ba tayo pupunta? " tanong ko sa kanya pero hindi parin ako bumabangon sa pagkakahiga ko. Ayaw ko pang maputol yung maganda kong panaginip. Akalain mo nasa Atlantis daw kami

"Anak pupunta na tayo sa bago mong school. Sa Amphitrite University " pagkasabing pagkasabi ni mama noon ay napa balikwas ako sa aking kama. Tinignan ko si mama at mukhang seryoso siya. Tinignan ko yung paligid at wala ako sa kwarto ko so it means hindi panaginip ang lahat

"Waaaaahhhhhhhhhhh!!!" malakas na sigaw kaya napa takip naman si mama ng tenga niya. "Nasa Atlantis ako at papasok ako ngayon sa Amphitrite University kung saan hindi normal ang mga estudyante " saad ko napa tango naman si mama habang naka ngiti siya sa akin. Hindi nagtagal ay dumating na si papa

"Anak anong nangyayari bakit ka sumisigaw? " tanong ni papa at halata sa boses niya na nag-aalala siya. Umiling nalang ako saka nagtaklob ulit ng kumot sa mukha ko. Bumalik nanaman yung kabang naramdaman ko kagabi. Akala ko panaginip lang ang lahat hindi pala pero katulad ng dati sa halip na ipakita na kinakabahan ako ay pinilit ko parin na maging seryoso ang mukha ko.

Ilang saglit pa bumangon na ako dahil kinukulit ako ni mama na mag gayak na dahil hindi ko raw pagsisisihan ang gagawin ko. Sumunod nalang ako pero hindi parin naalis ang kaba sa dib-dib ko. Ano kayang itsura ng school na papasukan ko sana naman hindi nakakatakot baka naman mamaya pag dating namin dun hanted mansion pala yun ay hanted school pala. Nakakatakot pero hindi ko naman kailangan na magpadala sa nararamdaman ko kaya muli sinubukAn ko ulit na tanggalin ang kaba sa Aking sarili.

★★★★★

Nakasakay na kami ngayon nila mama sa isang moselle papunta sa school na pa-pasukan ko daw. Habang papalapit kami ng papalapit ay mastumitindi ang kaba na nararamdaman ko hanggang sa huminto na ang sasakyan namin. Kung kanina ay nagawa ko paring tanggalin ang kaba sa aking dibdib ngayon naman ay tila may tambol sa aking loob dahil halos marinig ko na ang tibok ng aking puso.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now