Chapter Six

22.1K 755 13
                                    

Author's Note: Ganito po ang Two bladed katana na gamit ni Ireneia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's Note: Ganito po ang Two bladed katana na gamit ni Ireneia.

Trivia:
*Scabbard po ang tawag sa lalagyan or case ng katana.

...

Ireneia Xyke Vien

Huminga ako ng malalim bago ko inayos ang pagkakahawak sa katana ko. I need to compose myself and try my best to remember all the things I learned in the past.

Tinanggal ko ang scabbard ng Two-blade katana na hawak ko at mas hinigpitan ang hawak sa handle nito sa gitna.

you can do this Nia.

"Yahh!"

She attacked me once again using her sword.

Kahit kinakabahan ako ay patuloy ako sa pagsangga sa mga atake nya. Halata namang parehas lang kami na hindi gaanong magaling sa paghawak ng sandata kaya alam kong nasa parehong level pa lang naman kami. Sword fights was never my forte. Maybe because I never really liked hurting anyone.

Naging mabilis ang pag-atake nya kaya sa abot ng makakaya ko ay binilisan ko rin ang pag-sangga sa mga atake nya.

Ng muling mag gitgitan ang blade ng katana ko at ng espada nya ay nagkatapat ang mga mukha namin. Puot at galit ang isinisigaw ng mga mata nya.

Malalim din ang bawat hiningang binibitawan nya.

She pushed her sword towards my face kaya ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko para itulak sya palayo sakin.

She fell on the ground.

Yun ang nakita kong pagkakataon para itutok ang blade ng katana ko sa gilid ng leeg nya. There is no room for inhibitions now. I need to hurt her if I want to win.

Gusto ko bang manalo?

Gulat at takot naman ngayon ang nakikita ko sakanya.

That's how I knew the answer to my question. I need to win. Bahagyang idiniin ko ang blade sa leeg nya para bigyan sya ng maliit na sugat dahil sa pagkakaintindi ko ay yun lang naman ang kailangan para manalo.

Ang sugatan ang isa't-isa.

I withdrawn my katana from her neck at naglakad further into the maze.

Let's get this over with.

Dahan-dahan akong naglakad habang pinapakiramdamang mabuti ang paligid ko. I need to stay alert as much as I can. Some of them are really skilled fighters so I certainly can't risk anything.

Hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin kaya all I can do now is stay alert and keep my focus intact.
As much as possible ay ayokong manakit sa lugar na toh but I am obviously left with no choice.

I can't get out of here unless I hurt them.

Tsaka isa pa~

Bumagsak ako sa lupa dahil sa lakas ng pagkakasipa saakin ng kung sino.

Agad kong inangat ang mukha ko ng masiguro kong wala akong natamong sugat mula sa ginawa nya saakin.

Tumambad saakin ang nakangising mukha ng isa sa mga kaklase kong lalake. Dalawa lang silang lalake sa klase namin.

Si Freio Sanders at si Lukas Porte.

At ang lalakeng kaharap ko ngayon ay si Lukas Porte.

Mula sa nasagap kong impormasyon mula sa chismisan nina Pauline at Lorie, Lukas Porte was born here, a native of Heliena Cross. Pero dahil sa namatay ang mga magulang nito nung bata pa lang ito ay inilipat ito sa mortal world at nakitira sa kapatid ng ina nito.

They also said that he was born into a family of fighters. Kaya nananalaytay sa dugo nito ang pagiging mandirigma.

How am I suppose to win against someone who's born to be good in fighting? This would be one hell of a fight.

And I was right.

Muli nya akong binigyan ng isang high kick na tumama sa braso ko dahil yun ang pinangsangga ko sa paa nyang sa mukha ko sana tatama.

He smirked at mabilis na pinaulanan ako ng mga suntok at sipa.

Isang suntok sa tyan ang hindi ko naiwasan mula sa kanya. Napa-ubo ako dahil sa lakas ng impact nun sa payat na katawan ko. I do have backround in training as I grew up constantly reminded of how much I needed to be stronger than myself, but my body was built for such attacks.

Damn!

Lukas gave me one of his deadliest glares.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang emosyon na nakikita ko sa mga mata nila at kung bakit parang sakin nila binubuhos lahat iyon.

Did I do something wrong?

Or are they just showing me how much they want to belong in this world?

Muli akong tumayo ng tuwid at inayos ang pagkakaposisyon ko sa sarili ko.

Wala naman na akong ibang magagawa kundi ang ihanda ang sarili ko sa mga susunod na magiging atake nya saakin.

No matter what their reasons are, I also have mine. And that's the only thing that should matter to me.

Hindi lang naman sila ang kailangang makalabas ng buhay sa labang ito.

in fact, I also do.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now