Chapter Seventeen

19.1K 683 2
                                    

Ireneia's POV

"Sige na Ireneia. Umupo ka na dun sa harap." Malumanay na sabi ni Fritz bago ako binitawan at bahagyang tinulak.

I can't be like this forever.

Hindi ko alam pero simula ng bumalik muli saakin ang alaala ko noong gabing mamatay ang buong pamilya ko.

I started to feel weak again.


Natutunan ko ng kontrolin ang emosyon ko.

Natutunan kong itago ang emosyon ko dati, and I need to do that again.

I need to conceal everything again.

Alam kong mahihirapan ulit ako pero yun lang ang paraan para maging malakas ulit ako.

There should be no room for weakness in me. Weakness would only lead to my destruction.

"Students of Heleina Cross. We are gathered today to witness the claiming ceremony of all the students who succeeded and who excelled in the grand annual leveling event which happened last week. Nandito tayong lahat upang saksihan ang pag-angat ng mga estudyanteng nagpakita ng improvement hindi lang sa pakikipaglaban in hand to hand combat but also in using their very own unique abilities. Although mukhang magiging mahirap para sa council ang pagdidisesyon. You must all remember to trust their decision." Mahabang paliwanag ng isang magandang babae na nasa itaas ng platform ngayon na ginawa lang ata dito sa gitna ng field kung saan ginanap ang Annual Leveling last week.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako o sadyang tumingin sya diretso dito sa pwesto ko.

She even gave me a knowing look na parang sinasabi na ako ang dahilan kung bakit mahihirapan ang council.

Nangunot ang noo ko ng magawi ang tingin ko sa lalakeng nakaupo sa isa sa mga VIP seats sa bandang harap nitong bleachers.


Bakit sya nakatingin saakin?

Imbes na pansinin, nag-iwas na lang ako ng tingin.

We are not that close for me to stare at him for too long, and another thing, I don't even have any reason to do so.

I composed myself bago ko sinuot ang maskarang panandaliang natanggal saakin. Ayokong maging pabigat sa kahit kanino kaya kahit gusto kong mapalapit sakanila, hindi maaari.

Ayokong maging mahina and again, I don't want anything, or anyone to hinder what I've been planning my whole life.

"Bronze students, please stand up and proceed here in front to claim your new badges."

I was brought back to reality when the host spoke and that's when I noticed everyone that most of the students and the audience are clapping their hands.

Nagsitayuan naman ang mga Bronze holder students at sabay-sabay na bumaba sa pwesto nila dito sa bleachers bago naglakad pababa sa gitna ng field.

When they finally reached the spot kung saan sila sinabihang tumayo they all removed their badges at nilagay yun sa palad nila. Yun ang naging cue ng isang member ng council para tumayo at maglakad sa harap ng mga bronze holder students.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt