Chapter Eleven

20.5K 750 24
                                    

Ireneia Xyke Vein

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagbalik saakin ng ulirat ko.

Unang nakita ko ang isang sala set na kulay royal blue na nakapwesto malapit sa puti na dingding, pagkatapos ay ang maliit na side table dito sa tabi ng kama ko. Walang ibang laman ang side table kundi ang isang pumpon ng bulaklak na nakalagay sa isang basket at isang papel na nakatupi sa tabi nito.

Nanghihina man ay pinilit kong inabot ang papel at binasa ang nakasulat dito.

"Get well soon."

My forehead automatically creased. Sino naman kaya ang nag-iwan ng note dito? Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakadapa at pinakiramdaman ang sarili ko. Medyo maganda na ang pakiramdam ng likod ko at hindi na gaanong masakit ang katawan ko. 


Sunod kong sinuri ang sarili ko.

Hospital gown na pantaas ang suot-suot ko dahil na din sa natamong sugat ko sa likod. Ramdam ko din na wala akong suot na kahit ano sa ilalim ng hospital gown dahil presko at magaan ang pakiramdam ng dibdib ko.

Kinapa ko ang likod ko at bahagyang napailing ng makaramdam ng hapdi mula sa sugat ko. Well, whoever undressed me should be thankful na hindi na gaanong masakit ang sugat ko or else I'll be throwing a fit for waking up like this. Being exposed is one of the many things that I never liked feeling.

Hindi naman ata ako minolestya ng mga nurse dito ano?

Ramdam ko pa rin naman na suot-suot ko ang pantalon na suot ko kanina sa training kaya medyo nabawasan ang pagkaasiwa ko sa kinagisnan kong kalagayan.

Maybe hinayaan nilang iexpose ang likod ko dahil dun nakasentro ang damages na inabot ko sa training kanina. I reasoned to myself para mas maintindihan ko ang pangyayari.

Baka nilagyan nila ng ointment or baka magical herbs ang ipinanggamot nila. I really sound stupid trying to reason with my own irrational thoughts but that's the way I am. I can process my thoughts faster if I do that. 

I was about to stand up when the door flew open. Mabilis na niyakap ko ang sarili ko para takpan ang dibdib ko gamit ang braso ko dahil alam ko na babakat sa manipis na kasuotan ko ang mga hindi dapat bumakat at makikita ang hindi dapat makita ng kung sino man ang papasok ngayon sa silid ko. Better safe than sorry. Going back to reality. My gaze finally landed sa taong papasok ngayon sa kwarto kung saan ako namamalagi, meeting a pair of familiar dark orbs.


Parehas kami n a natigilan sa mga dapat gawin namin. Sya natigil sa pagpasok at ako naman ay natigil sa pagtayo.


His eyes slowly landed on my bare back.


Which made me blush. I forgot I was exposed there. How fucking stupid  Ireneia!


Nag-iwas ako ng tingin to hide my embarassment and so did he.

"Uh *clears throat* " mahinang bigkas ko trying to break the awkwardness building inside the room. 

"PARE? BAKIT DI KA PA TUMUTULOY? GISING NA BA SI MS~"

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nyang itulak palabas yung lalakeng papasok pa lang sana habang sumisigaw bago pabalibag na isinara ang pinto ng kwarto ko.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon