Chapter Fifteen

20.5K 679 14
                                    

Ireneia Xyke Vein

"Ireneia!!" I secretly smiled ng marinig ang boses ni Fritzail habang tumatakbo papalapit saakin dala ang isang paper bag.

Nanlaki ang mata ko ng muntik na syang madapa dahil sa bilis ng takbo nya papunta saakin.

Tumatawang niyakap nya ako ng makarating sya sa harap ko. Mabilis lang ang naging yakap nya bago inabot saakin ang paper bag na dala-dala nya.

"I bought slash made it for you! Hope you like it." Excited na sabi nya.

Walang imik na kinuha ko sakanya ang paper bag at maingat na tinignan kung ano ang nasa loob nito. I gasped when I saw what's inside.

"Welcome gift ko yan sayo. Medyo advance lang ng konti but I want to be the first person to welcome you to the team." Sabi nya saakin. Tinignan ko sya bago ko kinuha ang isang bracelet sa loob.

May iba't-ibang kulay ng gems ang bracelet bilang palamuti. Sa end ng bracelet ay may isang maliit na infinity sign na gawa sa metal.

"Flip it!" Excited na sabi nya na bahagya pang nagba-bounce sa kinauupuan nya.

Tinignan ko muna sya at bahagyang nginitian bago ko sinunod ang sinabi nya. I flipped the infinity pendant and almost teared up when I read what's engraved on it.

'From your new family'

"Will..." napalunok ako. I can't say what's been bothering me since the day Fritzail and I became friends.

I looked away, afraid that she might she how much what I am about to say to her is bothering me.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinaplos ito letting me feel the comfort I needed in this very moment. Muling napalunok ako bago ko sya tinignan ulit sa mata.

"Will they accept me? After what I did to you~ to them?" Nagaalinlangan na tanong ko sakanya.

"Of course they will! They'll surely love you. Come on! Malapit na magsimula ang ceremony. Kailangan mo na mag-ayos ng sarili mo. You need to be pretty~ well you're already the prettiest here but still, you need to wear something appropriate for the occasion." Daldal nya before grabbing my hand at hinila na ako papunta sa kung saan.

Napasinghap ako ng marealize ko kung saan nya ako balak dalhin.

"No. Fritz, I'm not ready to face them yet." Mahinang sabi ko sakanya. Napatigil sya at hinarap ako.

"Take your doubts away Ireneia. Just trust me okay?" She said bago marahang tinapik ang pisngi ko.

Dahan-dahan akong napatango at tahimik na nagpahila sakanya papasok sa dorm ng Alpha Class. Hindi sya mukhang dorm dahil nagmukha na syang bahay sa laki at lawak ng loob nito.

Akala ko dati maganda na ang dorm ko.

Ngayon ko lang nalaman na walang-wala ang ganda ng dorm ko sa ganda ng dorm nila. Halos lahat ng gamit nila ay kumikinang sa sobrang linis. Halatang mamahalin din ang bawat appliances na nasa loob.

Heleina Cross Academy Of Magic: CURSED (Part 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now