01

4.1K 29 5
                                    

I.

"Donny." Sabi sa akin ni Alliah.

Alliah is my girlfriend for 3 years now, we met in a restaurant and when I first saw her I was amazed by her beauty.

She called me today and sabi niya magkita daw kami dito mismo sa restaurant kung saan kami nagkakilala. And yeah, I'm here and she's here, we're here. Kinakabahan ako ngayon, to be honest, ang sabi kasi niya sa akin may sasabihin siyang importante.

"Spill, Alliah." I said, medyo mataas ang tono ko kaya nanlaki ang nga mga mata niya.

"Look, Donny. You know naman diba na magkarelasyon tayo for 3 years diba, and you know how much I love you, every single piece of you." She started, I didn't speak, I just looked at her and wait for her next words.

"I want to talk to talk you because I...." Her tears started to fall. "You're what?" I tried to calm my self but I couldn't, my gosh Alliah.

"I'm engaged." Wow, two words, dalawang salita, in just a snap gumuho ang mundo ko. "Huh? W-what do you mean? You're joking are you?" I said, nginitian ko siya na parang hindi ako nasaktan, ayoko magpaapekto, ayoko.

"Yesterday, Mom and Dad told me everything, including that I am engaged with someone else, fixed marriage, Donny. I'm so sorry babe." Every word coming from her are making my heart break into tiny little pieces.

Kinuyom ko ang aking kamao, and stopped myself from crying. I am not weak, hindi ako mahina. Pero shit, Alliah ayokong mawala ka sa akin. Ayokong mapunta ka sa iba, ayokong malayo ka sa tabi ko.

"Alliah, I love you more than myself but why? Why didn't you ask yourself muna kung kapag sinabi ko ba to kay Donny masasaktan ba siya or ano?! Bullshit naman Alliah!" Napatayo ako sa kinauupuan ko. All of the people inside the restaurant are on me, sa akin sila nakatingin ngayon, I don't care.

Hinawakan ni Alliah ang kamay ko, trying to calm me down, but that won't do anything. Namumuo ang galit ko, nangingibabaw.

"I do, I asked myself, but ano pa bang sense kung papatagalin pa! Jusko Donny, I knew na kapag hindi ko agad sinabi sayo, na kapag pinatagal ko pa ang pagtatago sayo ng totoo, mas masakit! Mas matagal mawala! You think ginusto ko 'to? Ginusto kong ma- engaged sa isang taong hindi ko naman kilala?!" She's now shouting at me, crying.

Ilabas mo na ang lahat Alliah, isaksak mo na sa akin lahat ng katotohanan, tatanggapin ko, iwan mo na ako, hayaan mo, dadating din yung araw na makakalimutan kita, wait for it.

"Alliah, pasensya na, sorry for this day, I'm a mess, sobrang mahal lang talaga kita at ayaw kitang mawala, pero what can I do? It's your parents' decision, wala akong magagawa don, I guess I have to let you go..." Sabi ko. "I love you so damn much, and always remember that ano man ang mangyari, you will always be my Mrs. Alliah Buenaventura- Pangilinan." As I bid my goodbye, I hugged her tight, yung yakap na sana kahit gaano katagal na ang lumipas, mararamdaman ko pa rin.

"Kuya! Kuya! Kuya!" I woke up because of Hannah's shout. Ang aga aga binubulabog na agad ako. "Sandali lang naman!" I shouted.

Pagtayo ko sa kama ko, saktong sa salamin ako nakaharap, I looked at myself, such a mess, sobrang wasted ko kagabi dahil sa nangyari, it happened in just an hour. I looked at my own eyes, sobrang mugto, halatang umiyak ako kagabi. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras ako umuwi.

"Kuya! Ano ba!!!!" Ano ba naman yan, sakit na ng puso ko dadagdag pa kapatid ko ng sakit sa ulo.

"What's your problem?!" Singhal ko kay Hannah pagkabukas ko ng pinto. Nagulantang siya doon, kaya nanlaki ang mga mata niya at umirap.

"The hell kuya, sobrang mugto ng mata mo!" She said. "Psssh I know, pero bakit ba talaga ang aga mo mambulabog?" Sabi ko, wala ako sa mood ngayon ano ba.

"Breakfast na daw" Aniya. Tumango na lang ako at naghanda para bumaba, I need to look presentable sa harap nina Mom and Dad, ayokong malaman nila ang nangyari at ginawa ko kagabi.

"You came home late last night, Donny." Sabi ni Dad saktong pagkaupo ko sa hapag- kainan.

Saan na naman nila nalaman yan?

"Yes Dad. I'm sorry hindi na po mauulit." Pagpapaawa ko.

Nilingon ko si Mommy, walang kibo, walang salita, dire- diretso lang siya sa pagkain, I felt relieved because of that.

"Please son, don't torture yourself just for a girl who left you hanging." Finally, mom talked. But I was shocked of what she said.

Napatigil ako sa pagkain ko dahil doon, "Look at me Donato." She commanded, so I did.

"After breakfast, let's talk okay?" I nodded.

My family wants to knows everything talaga, I wonder how they know what's happening to me kapag di ko sila kasama.

————

Hi guys! I hope you like the first chapter! Sorry kung medyo hindi maganda, this is my first time writing a story here in wattpad!

keep smiling!

- cass ✨

Faded LoveWhere stories live. Discover now