03

746 20 3
                                    

III.

"Donny eat your food, hindi pa man lang nagagalaw ang pagkain mo ah," Dad said and then I came back to my senses. "Is there something wrong?" He asked.

Binabagabag kasi ako nung babaeng nasa panaginip ko kagabi. She's not familiar but I know, may malaki siyang parte sa buhay ko pero ewan, ang gulo. I need to find that girl.

"Ah dad, mom, may kilala pa ba kayong ibang babae na sobrang malapit sa akin? You know what I mean," I asked and tumingin sila sa akin, at umiling. "Wala naman, sa pagkakaalam ko si Alliah lang," sambit ni Mom. Para namang totoo yung sinabi ni Mommy kaya naniwala na din ako.

After eating breakfast, I immediately called Dom to ask for help, hindi ko kakayanin 'to mag- isa lalo na at hindi ko alam yung itsura niya, nakatalikod siya, hindi ko din alam ang kanyang pangalan, I just know her voice, yun lang.

We started searching for that woman, madaming tatawagan si Dom na babae para kausapin namin in person, and para malaman if kapareho ng boses.

"So, you are?" Dom asked the girl with a blonde hair, singkit siya, hindi ito, black hair yung nasa panaginip ko. "Ela," And there, one word nalaman ko na hindi talaga siya yon.

Nagpatuloy kami sa pag- kausap ng mga babae, "Ariya" Umiling ako kay Dom. "Tanya" "Marisa" "Diane" "Kiara" Umiling pa din ako. Tapos na, ubos na yung mga babaeng tinawagan ni Dom para kausapin.

"Dom, wala talaga, ni isa sa kanila wala," I said to Dom.

Nagstay muna kami dito sa lugar para mag- chill kahit konti lang, "Ano bang sabi sayo sa panaginip mo?" He suddenly asked. Ibinaba ko ang iniinom kong iced coffee. "It's like she's saying goodbye, parang nagpapaalam siya and yung hindi na siya babalik?" Something like that. Napaisip si Dom about that.

"Hindi kaya si Alliah yon? I mean diba nagpaalam din si Alliah sayo and like she's never coming back to you?" He said, parang kinukurot yung puso ko doon sa last part na sinabi ni Dom, but I didn't mind, hindi ko pinakita kay Dom na nasaktan ako, for what pa?

"Imposible" I said and looked at Dom. "Ibang iba sa boses ni Alliah," I added and Dom answered with a nod.

"Dom, diba close din kayo ni Alliah?" I asked him. Hindi siya agad makasagot, may mali talaga, something's weird about Dom these past few days. Kapag tinatawagan ko siya para akitin to go out lagi siyang busy, pero kapag siya ang nang- aakit sumasaktong tinatamad ako.

He bit his lower lip bago magsalita, "Ha? O-oo c- close naman kami ni A- alliah," He's stuttering while speaking. Tss weird. "Why'd you ask?"

"Nung nakipaghiwalay siya sa akin, I asked her if sino yung guy, but she didn't say about him, I just want to know if alam mo kung sino?" Tanong ko sa kaniya.

"Ha hindi matagal na din kaming hindi nag- uusap eh," Sagot niya, sa pagkakataong ito, I believe in Dom. Siya na lang ang kaibigan ko na nakakapitan ko.

"Bro sa tingin mo, mahahanap ko siya?" Tanong ko kay Dom. "Oo magtiwala ka lang tsaka mag- tiyaga tayo, diba lagi namang always worth the wait?" Sabi niya, napangiti ako at tumango dahil doon.

Natulala ako sa isang babae na nakaupo sa kabilang table, she's alone, she's cute and beautiful, pero nawala ang tingin ko sa kanya ng sikuhin ako ni Dom, "Hoy may kausap pa ba ako?" Singhal niya sabay tawa, "Ha yeah sorry," Sabi ko sabay tawa, nilingon ko ulit yung table para tingnan yung babae pero wala na agad siya? Ang bilis naman, weird.

"Baka naman if you'll sleep again mapapaginipan mo ulit siya and malay mo she'll give another hint kung sino talaga siya? Diba?" Sabi ni Dom. Naisip ko na din 'yan kanina pero parang imposible kasi diba nga nag- paalam na siya? Pero wala namang mawawala kung itra- try.

"Alright, thanks for today bro! Asahan ulit kita bukas ha!" Sabi ko and tapped his shoulders.

"Sus, Donny, arte mo, basta call me if merong bagong hint ha para makagawa or makahanap agad ng pwedeng sagot sa tanong mo na sino yan" Dom said.

Pagkadating ko sa bahay, I went to my bedroom, humiga ako sa kama ko, and unlocked my phone, hindi ko alam na napadpad pala ako sa photos ko naningin ako simula sa unang picture, wala akong idea kung bakit ko ginagawa 'to ngayon. Habang nags- slide ako thru my photos, may video akong plinay, "Happy birthday J!," "Thank you Donny!" Napabalikwas ako ng higa. Oh shit. Siya, siya yung nasa panaginip ko, it's her voice, bakit ganto yung video, black lang, sino ka ba talaga?

"April 12,"



———
hi guys! faded lovers! char! hope u guys like this chapter, please please vote, share and comment para malaman ko if maganda yung takbo ng story or ano. thank you guys for reading! xoxo.

keep smiling!

— cass ✨

Faded LoveWhere stories live. Discover now