CHAPTER ONE

1.2K 22 0
                                    


    Ash's POV

Nagising ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, sa likod.

Para bang nakahiga ako sa pinakamatigas na bagay sa buong mundo. Ganun ka oa. Ang sakit. Napadilat ang mata ko, at nangangawit ang kamay ko. Teka bat parang---

"AHHHHH!"gulat na sigaw ko ng makita ang isang babaeng nakahiga sa tabi ko yakap ako, at nakahiga sa braso ko ang ulo niya. Kaya pala nangangawit na ako teka sino to?!

"H-hey! Wake up? Miss? " tanong ko pero gumalaw lang siya at hinila ang kamay ko sabay hinimas sa mukha niya.

What the hell? Inalis ko ang mga buhok na nakatabing sa mukha niya.

"Tss, you are the girl in the rooftop?" Iritang bulong ko pero gulat din ako ng mapagtantong..

"Teka! Diba nasa rooftop ako kanina? Tapos biglang humangin at.. nahulog ako? No! kami! pero bat.. bat.. " tarantang sigaw ko pa at tinignan kong may galos ako pero wala. What the heck is happening here?

"Sir? Ano pong ginagawa niyo dito? Kanina pa po ang dismissal niyo diba? At hinahanap na po kayo ng mommy niyo. Wala daw po kayo sa condo niyo at yong phone niyo naka off" Gulat akong napalingon sa dumating. Ahh si Manong eddie driver ko.

"Manong pakidala dito yong kotse" maikling sambit ko at ibinigay yong susi. Pero di pa siya umaalis nakatingin pa siya sa babaeng nakayakap sakin na katabi ko. Nakahiga kami sa mismong semento, daanan, Nasa school pa pala ako and gabi na. Ganun katagal ang tulog ko? Tss

"Sir ang ganda po ng kasama niyo, sino po yan? Pero sir mawalang galang na po pero di na po ba kayo nakapagpigil kaya dito na po kayo gumawa ng kababalaghan?" Tanong pa niya na ikinalaki ng mata ko. mukha ba kaming nakahubad?!

"W-what are you saying?! Were not doing anything! Shut up and do what i've said!" iritadong sagot ko. Pero nakatingin padin siya kaya napatingin ako sa babaeng katabi ko. Ang puti puti naman neto! Parang lumaklak ng sampung box ng gluta. Tinignan ko ang suot niyang dress na nakataas at halos mahubadan na. Kaya pala.

"Ano ba?! Get out!" Sigaw ko at umalis naman si manong. Sisilipan pa tong baliw na babaeng to. San ba pumunta to? Sa binyag?! She's wearing long sleeve and long neck dress, with snow frost design. And a crystal near in her chest. Tapos mahaba ang likod ng dress niya samantalang maikli naman sa harap. Para siyang isang prinsesa sa fairy tale.

-----

Pagkauwi sa condo, dumiretsyo ako sa kwarto at inihiga si baliw sa kama ko. Inayos ko ang suot niya at kinumutan siya.

Napalunok ako. Ang ganda niya.. ang puti puti niya, nakabraid ang buhok niya. Na may natitirang lawit sa harapan.

Lumabas na ako pagkatapos magbihis, baka ano pa magawa ko. Dejk. I have respect of course.

My Extraordinary GirlfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang