CHAPTER 11

807 19 0
                                    

Ash's POV

Nagising ako sa sakit na nararamdaman ko, at gutom na din napabangon ako sa sofa at napahawak sa noo ko ng mahulog ang towel. Mainit pa teka anong oras na ba? Napatingin ako sa relo ko. 8:09 pm. Ahh gabi pero diba nasa school ako? Tapos nagkagulo? Tapos pumunta ako sa soccer field tapos sumakit dibdib ko? Tapos umulan? Tapos tapos..

"S-si ba---- BALIW!" sigaw ko ng makita ko siyang nakaupo sa sahig habang nakahiga ang ulo niya sa may paanan ko sa sofa.

Napatingin ako sa damit ko, at sa center table may gatas, noodles, at sopas hmm?

Inalagaan niya ako?

Napabangon ako at lumapit sakanya.

Hinawakan ko siya pero hindi naman siya mainit, pero basa ang suot niyang damit.. pano kami nakarating dito?

Lumapit ako sa mesa at kinuha ang cellphone ko dun.

"Hello?" Bungad ko.

"Yes sir?" sagot sa kanilang linya.

"Magdala ka ng damit pantulog, dalhin mo sa condo ko, pambabae at pati nadin ang girl stuff" sagot ko lang at pinatay na ang tawag.

Napaupo ako at binuhat si baliw papunta sa kwarto ko, basang basa parin siya.

Maya maya may nagdoorbell na.

"Sir eto na po" sambit niya at binigay sakin ang hinihingi ko pero hindi ko kinuha.

"Joy, pakibihisan si queen. Nasa kwarto ko siya" sambit ko lang at pumunta sa sofa at nagsimulang kumain. Pano niya kaya nakuha to? Or san niya nakuha?

"Opo sir, p-pero sir teka ayan pong kinakain niyo ayan po yung inorder ni ate queen kanina. Hehe nagmakaawa nga po siya e hehe " biglang sambit niya na ikinagulat ko. Ehem..

"Ah Eh oo na , you may go " sambit ko at kumain ulit nagugutom ako so in order to ni baliw kanina? Ewan ko ba pero napangiti ako hay. Kahit papano may utak din pala yon ay oh, meron talaga matalino nga e mas lamang nga lang ang katangahan.

Pagkatapos kong kumain, naglakad ako patungo sa kusina at inilagay ang platong pinagkainan ko at hinugasan.

Pagkatapos maghugas, kumuha ako ng pweding iluto sa ref.. kumain na kaya yon?

Magluluto ako ng sinigang. Habang nagluluto nakarinig ako ng yapak.

"Ah sir tapos ko na pong nabihisan si ma'am queen" bigla akong napalingon kay joy, siya ang head na nag aasikaso sa condo namin.

"Salamat" sagot ko lang at nagpatuloy sa pagluluto pero namula ako sa sinabi niya. What the hell are she saying? Hmp

"Ang ganda po ni ma'am queen hehe, bagay po kayo. Asawa niyo po ba siya? " kinikilig pang tanong niya. Humarap ako sakanya at umiling. Halos kaedad ko lang si Joy.

"Girlfriend" maikling sagot ko at humarap sa niluluto ko.

"Ahh e, si ate maldita-- este vida po? Wala na kayo?" Curious na tanong nanaman niya kahit kailan ang daldal neto.

Napairap ako, medyo nasasaktan pa ako pero bakit ganun? Parang wala na lang sakin yun.

"We broke up, months ago" maikling sagot ko nalang at nagpatuloy sa pagluluto. Pero napaso ako sa gulat sa sinabi niya.

My Extraordinary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon