CHAPTER 29

678 15 0
                                    

  Ash's POV

Months had passed by, and i'm getting scared of them. My friends! They were acting so weird. Ewan ko ba kong praning lang ba ako but, urgh. Never mind. I'm on my way to our room. Exam namin ngayon at nagmamadali ako. Pupunta pa kasi ako sa Rufina Square and I need to go to my condo to change my clothes. I'm wearing our school uniform----

*BLAAAAAAAAG!*

"O-ouch!" reklamo ko ng biglang may bumunggo sakin. Naitapon ko tuloy yong phone ko. Nakayuko ako, habang hinahanap. Where's my--

"P-phone mo oh, sorry " isang mahinhin na boses ang nagsalita. I was about to look at the girl in front of me and thank her but---

"ASSSSHHHH!! HEY MALILATE NA TAYO!" isang malakas na sigaw ng babaeng kaibigan ko.

Agad akong napalingon sakanya at nakita ko siya sa di kalayuan.

"Wait! Papunta na!--- uhm miss----?" Nangunot ang noo ko ng pagharap ko, nawala yung babae. Wait ..

"San nagpunta yun?" bulong ko at napakamot sa ulo ko, agad kong tinago ang cellphone ko sa bulsa ko at tumakbo ng mabilis. Baka malate ako.

Pagkarating sa room, kumabog ang dibdib ko ng makita ang isang sticky note sa pinto.

" You're cute" basa ko, kinuha ko yun at ginusot gusot. Urgh creepy.

Kumatok ako, wala lang may naalala lang ako.

"Pagiging bastos ang pagpasok ng hindi kumakatok" bulong ko, san ko nga ba ulit narinig yun? Ahhh. Never mind.

Nang buksan ang pinto agad akong pumasok at umupo .

"Hey are you okay?" bigla akong napaharap kay chena ng tanungin niya yun. Tumango ako at nagthumbs up. Pero biglang nangunot ang noo ko ng tumawa siya.

"Not really haha" sambit niya at naglakad palapit sakin sabay hila ng isang sticky---STICKY NOTE? AGAIN?

"Take care" basa niya sa nakasulat sa sticky note na hugis heart--

"H-heart? Hey w-where did you get this?" biglang tanong niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay at nagkibit balikat.

Ganyan din nakuha ko sa pinto kanina. Pero bat ang oa neto?

"Teka bat ang oa mo?" tanong ko tumawa siya as in tumawa. Hala nababaliw na ata to, lintik.

"Nakita mo na na siya?" Masayang sambit niya. Nainis ako kasi hindi ko maintindihan sinasabi niya.

"What? Who?" takang tanong ko. Napakamot siya sa ulo at nagpeace sign.

"Oo nga, di mo pa nakita.. " sambit niya at tumalikod. May binubulong siya pero hindi ko narinig ng buo.

"Pag nakita niya ako, babalik ang----blahblahblah"­­

Ano daw? Hmp weirdo.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin sa harap.

----

Natapos ang exam at super duper saya hahaha. Wala na akong problema. Naglalakad ako sa hallway at naririnig ko nanaman ang bulungan nila. Nakagawian na nila yan at sanay na ako pero naweweirduhan ako sa tuwing binabanggit ang--

"Bakit kaya biglang nawala si ate snow white?"

"Kawawa naman si ash"

"Pero bat para siyang naamnesia?"

Napapikit ako at sumulyap sa mga nagbubulungan agad sila nagsisihan at nagtakipan ng bibig.

"Ingay mo kasi.."

"Shh"

Alam ko naman na Disney Princess yun pero bat kasali ako? Hindi ko naman kilala yun.

"Hey whats up?" Agad akong napalingon sa boses na yun.

"Hey Vida" sagot ko at ngumiti sumabay naman siya sakin sa paglalakad.

"Are you okay?" nag aalalang tanong niya, tumawa naman ako. She's still like that.

"Yep. Of course, don't mind me. Where's Ronnie?" tanong ko , nginitian niya ako at ngumuso. Napatingin ako sa harapan namin.

"Hey bro!" Nakangiting bati niya.

"Hey, susunduin mo na siya?" Tanong ko, tumawa siya at tumango.

"Babalik yun, trust me" sambit niya at hinawakan si Vida na tumatawa tawa. Bwisit talaga yang linya niyang yan paulit ulit. Lagi niyang sinasabi psh sino bang babalik?

Umirap nalang ako at nagpatuloy sa paglalalad. Wala si Benedict, busy with his girl. Ewan ko hindi niya pa pinapakilala samin, at nirereto nga ako dun sa best friend nung babaeng nililigawan niya. Ewan ko ba pero parang ayoko pa, parang may hinihintay ako ewan ko baliw na ata ako.

Si chena at Tristan ayun, nagdedate na siguro. Si Nikko may pupuntahan kasama yung family nya.

Ako nalang loner ganun?! Tsk.

Nang makarating ako sa building ng condominium na pagmamay ari namin, agad akong pumasok sa elevator. Pagkapindot ko sumara na ang pinto, pansin ko ang babaeng katabi ko.

*tug dug*

*tug dug*

Napahawak ako sa dibdib ko. Biglang bumilis, problema neto?

Napansin ko ang babaeng katabi ko na hindi gumagalaw. Hindi ko maaninag mukha niya. Nakatabing kasi yung mahaba niyang buhok.

Nakadress siya, para siyang umattend ng binyag.

"Miss?" tawag ko pero di talaga gumalaw. Patay ata to, bat ganun hindi naman November pero ang creepy ng araw ko.

Hahawakan ko na sana siya pero biglang namatay yung ilaw sa elevator.

"What happen?!" Inis na sigaw ko at agad lumapit sa mga buttons at pilit pinindot ng pinindot.

"Urghh.." Inis na angil ko, kailangan ko pang pumunta sa Rufina! -.-

Napaupo ako at tumungo pero agad akong nagitla ng biglang may humawak sa kamay ko.

"H-hey who are y-you!!" sigaw ko, wala kong makita. Kinapa kapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko.

Itinutok ko sa taong kaharap ko ang phone pero mabilis niya itong kinuha at tinapon sa kung saan.

"What the hell! W-why did you do that! W-who a-are you!" Sigaw ko at kinapa kapa ang mukha niya.

Nakapa ko ang basang--basang pisngi niya.

Teka umiiyak ba siya?

"*sob.."

"H-hey why are you crying?" bulong ko, naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at bigla akong niyakap.

"U-Uhh!"

"S-saglit lang" bulong niya, kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses niya.

Mahinhin at parang.. Parang ano..

"C-can you do me a f-favor?" bulong niya habang nakayakap sakin.

Hindi ko siya kilala pero napatango ako bigla.

Rinig ko ang pagtawa niya.

"Wait..j-just wait.." Huling sambit niya matapos humiwalay sakin at nagswitch ang ilaw, bumukas ang pinto kasabay nun ang mga tao, mga tauhan sa condo at agad pumunta palapit sakin.

"T-teka yung---MISS!! " biglang sigaw ko ng mapansin ang babaeng mabilis na lumabas sa elevator.

Urghhh!! What was that?

@All Rights Reserved.

jaylinesyy



My Extraordinary GirlfriendWhere stories live. Discover now