CHAPTER 31

776 25 0
                                    



Ash's POV

Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko, pero lahat lahat naalala ko. At ang babae sa panaginip ko ay ang babaeng nasa harapan ko. the ANGEL of my HEART.

Patuloy sa pag agos ang masasaganang luha sa mata ko, dahan dahan niyang ibinaba ang paa niya mula sa pagtitip toe at tumingin ng diretsyo sakin.

"B-bakit ka umiiyak? Ayaw mo akong makita?" Mahinang tanong niya at itinaas ang palad sabay punas sa luha ko. Mabilis akong umiling iling.

"I--i j-just miss y-you.." Mahinang bulong ko at lalong bumuhos ang luha ko. Nakakabading man pero ang saya saya ko. Kaya pala pakiramdam ko may kulang sakin. Kaya pala may naririnig akong salita na tumatak sa isipan ko. Kaya pala may nakikita akong babae sa panaginip ko. Kaya .. K-kaya pala naghihintay ako.

"P-pero bakit *sob* k-kailangang a-ali-alisin ang alaala ko kasama ka?" may hinanakit na tanong ko ngumiti naman siya at napakamot sa ulo.

"D-dahil yun ang nakasulat sa ipinagbabawal na libro.. librong mismong pag mamay ari ko.. Kapalit ng pagkawala ng alaala mo ay ang pagkawala ng parusang kamatayan..." Paliwanag niya na naging dahilan ng lalong pagkakaroon ko ng paghanga sakanya.

She's really my extraordinary girlfriend.

"At dahil inalis ko ang alaala mo, nabura ang parusang kamatayan..." Paliwanag niya ulit natawa ako ewan ko pero ang saya ko.

"Pagkatapos m-mo akong halikan nung mga oras na nasa bingit ako ng kamatayan.. anong nangyari sayo?" Tanong ko hinila niya ako biglang----

"AAHHHHHHHHH!!- B-BUMABA T-TAYO--AHHHHHH!!" biglang sigaw ko ng hilain niya ako at isamang lumipad.

Halos pigilan ko ang hininga ko ng makarating kami sa tuktok--TUKTOK NG NAPAKATAAS NA BUILDING!!!

"W-WAAAAAA!! L-LOVE NAMAN PA-PA-PA--AHHHH!! PAPATAYIN MO BA AKO!" reklamo ko at kumapit ng sobrang higpit sakanya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtawa niya. Sobrang lakas!!

"Hindi ka pweding mama-hahahahahaha-- *pfft!* mamatay kasi pakakasalan mo-pa hahahahahaha* ako hahahaha" sambit niya at halos maubusan na ng hangin sa katawan--oo pala sagana siya sa hangin! Letche naman oh! Ano bang laban ko rito?!

sa inis ko tumalikod ako pero nakalimutan ko nasa tuktok pala kami---

"aaaaahhh!!!" Sigaw ko at muntikan na akong mahulog. Tumawa nanaman niya sabay hila sakin at pinaupo ako.

"Hahaha--kasi naman ang--hahahaha gulo mo" pang aasar niya. Inirapan ko siya nakakaasar!

"Huy sorry!" Sambit niya pero hindi ko siya pinansin at tumingin sa buong syudad. Kitang kita ko ang mga bahay at maliliit na gusali. Kitang kita ko ang ganda ng tanawin at napakabangong simoy ng hangin. Kitang kita ko ang mga magagandang ilaw na may ibang kulay. Ang ganda pala talaga...

"Love, mahal kita.." bigla akong nagitla ng ibulong niya yun sa tenga ko.

Tumingin ako sakanya , nakangiti siya at tumingin sa langit.

"Sana stars nalang ako.." bulong niya na ikinataka ko.

"Bakit?" takang tanong ko, humarap siya sakin at ngumiti.

"Para may something butuin us.." sambit niya at humagalpak sa tawa. Korni talaga pero natawa ako.

"you're witty.." sambit ko. At tumawa,

Sana stars nalang daw siya para may something butuin us hmp. Korni but I love it.

"Nung araw na yun, agad akong bumagsak sa kulungan.." biglang kwento niya kaya napaharap ako sakanya samantalang siya nakatingin ulit sa langit. Ang ganda ganda niya talaga..

My Extraordinary GirlfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz