CHAPTER 25

707 19 0
                                    

  Third Person's POV.

"AAAAAHHHHHH!!! MGA HANGAL!" isang nakakawindang at napakalakas na sigaw ng Reyna ng makita niya ang nag iisang babaeng Prinsesa ng Kaharian.

"Huminahon ka! Airyen!" Pagsusuway ng Hari. Inis na sinulyapan ng Reyna ang Kawali at nakita niyang muli ang kanyang anak na walang malay habang nakatali sa Flag pole. Nakaindian sit habang ang kanyang kamay ay nakatali sa kanyang likuran at nakatali rin sa Flagpole.

"Mga hangal sila! Mga mortal na walang alam! Kong ano ang ginagawa nila sa anak natin ay mas malala ang kapalit nito sakanila!! " sigaw niya at tumulo ang masasaganang luha sa kanyang mata. Humangin ng sobrang lakas kaya't unti unting nasira ang puno at nagsigawan ang mga kawal at mga Aires.

"Huminahon ka airyen!" Pagsuway ulit ng Hari, ngunit hindi nagpaawat ang Reyna at itinaas niya ang kamay niya at naglabas ng napakalakas na hangin.

"Ahhhhhhhh" sigaw ng lahat.

Galit na tumitig ang Hari sa Reyna.

"Huminahon ka! Wag mong idamay ang kaharian, walang magagawa ang kapangyarihan mo. Kahit anong gawin mo!" inis na sigaw ng Hari at bumuntong hininga. Muling sumulyap ang reyna sa kawali na nagsisilbing camera para masilayan nila ang kanilang anak.

"Walang malay, nakalutang siya. Duguan!!" galit na sigaw ng reyna at bumuhos ulit ang kanyang luha.

"Sa pagising niya, pagsisisihan niyo! " huling sambit ng Reyna.

Benedict's POV.

Hindi ko alam ang nangyayari basta ang alam ko nababaliw na si Vida! Itinali niya si Queen sa Flagpole samantalang ipinahawak niya sa mga schoolmates namin si chena na mismong kapatid niya. Oo alam ko yon, si ash lang ang walang alam..

Si ash na galit na nakatitig kay vida dahil hinawakan din siya ng mga lalaking schoolmates namin.

Hindi ko maintindihan kong nasan na ang lolo ni ash na siyang nagmamay ari sa school nato! Kahit ang school guard wala.

At kaming magkakaibigan, nakatali rin. Ugh baliw na ang vida na yon!!

"Ha! What the fvck is you?!" gulat na sigaw ulit ni vida at pilit nilang ibinababa si queen sa.. sa pagkalutang. Kahit ako nagulat sa nangyari. Hindi ko maintindihan kong bakit nakalutang si queen. Hindi ko alam, wala kong alam...

"SHUT UP VIDAAA!!! STOP THIS!" galit at nagsusumamong sigaw ni ash, nag aalala ako para sakanya baka kong ano ang mangyari sakanya..

Pilit niyang kumakawala sa limang lalaking humawak sakanya.

"AALISIN KO KAYONG LAHAT SA SCHOOL NA TO!! MGA WALANG HIYA KAYO! LET ME GO!!" Galit na sigaw niya pero hindi padin nasindak ang mga humawak sakanya.

"Ate please.." pakiusap ni chena at yumuko. Agad akong napatingin sakanya, umiiyak siya at nagmamakaawa. Pero bumaling ang tingin ko kay ash ng suminghal siya..

May hindi magandang mangyayari ngayon.

"Ate? A-ate?! Fvck that chena! What's the meaning of this?!" galit na sigaw niya. Agad yumuko si chena.

"Hindi ko sana papansinin pero kanina mo pa siya tinatawag na ate! May bagay ba kong hindi alam? " malumanay na tanong ni ash at matalim na tumitig kay chena.

"A-ash.."

"HAHAHAHAHAHA the hell ash! Yang tinuturing mong kaibigan, naglilihim sayo!" Parang nababaliw na sigaw ni vida. Galit akong tumitig sakanya magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni Ronnie.

My Extraordinary GirlfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz