CHAPTER 12

818 17 0
                                    


Queen's POV

Napabangon ako sa kama, ugh ang sakit ng ulo ko. Hays ano kaya yong mga lumabas na imahe at memories sakin? Siguro di ako tao pero impossible! Hays nakakabobo.

Pumunta ako sa cr at naligo. Nasasanay na ako sa daily routines na ginagawa ko. I've been here for a months so sinong hindi masasanay? Nakakatawa lang na nakitira ako sa lalaking hindi ko kaano ano at hindi ko kilala hahaha

"You're the one that never let me sleep, to my mind down to my soul you touch my lips"

Napapikit ako at kinuha ang tuwalya. Lumabas ako at nagbihis.

Asan kaya si bakla? May sakit pa yon kagabi e tibay naman nun kong papasok pa. Naalala ko yong sinabi niya nakakaawa yong sitwasyon niya, sinisira ng lolo niya ang buhay niya dahil lang sa pera.

Naglakad ako palabas at nakita kong nakahiga sa sofa si bakla. Naglakad ako papalapit at umupo sa tabi niya. Dahan dahan kong itinaas ang palad ko papunta sa noo niya. Hala ang init init niya.

"Bakla? Ayos kalang? Gutom kaba?" tanong ko at tinapik tapik ang pisngi niya pero umungol lang siya at hirap na idinilat ang mga mata.

"Sandali" maikling sambit ko at pumunta sa kusina. Pano ba magluto? Napakamot ako sa batok ko at nagpainit nalang ng tubig para sa ilalagay ko sa noo niya.
Naglakad ako pabalik at nakita kong nanginginig siya.

"Ayos kalang ba? Anuna? Hindi ko alam kong pano mag alaga" nakasibangot na tanong ko pumunta ako sa kwarto at kumuha ng kumot at jacket.

Lumapit ako sakanya at pinapaupo siya pero nahihirapan siya. Teka e kong ipunta ko nalang kaya siya sa kwarto?

"Halika, tumayo ka" sambit ko at inalalayan siya super bigat niya ughhh!

Inilagay ko ang braso ko sa balikat niya at inilagay ko ang braso niya sa balikat ko. Inalalayan ko siyang maglakad patungo sa kwarto. Ng makarating kami nabitawan ko siya dahil sa bigat niya pero dahil sa nakaakbay siya sakin sumama ako.

Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at pagkabog ng puso ko. Ang gwapo gwapo pala talaga niya lalo na sa malapitan.

Gulat akong mapatingin sakanya ng imulat niya ang mga mata niya at tumingin sakin ng diretsyo.

Nakatitig lang ako sakanya at ganun din siya. Biglang nagflashback sa isipan ko ang panaginip ko.

"k-kong sana... k-kong sana ikaw nalang ang minahal ko hindi ako masasaktan ng ganito... pwede bang tulungan mo ko? "

"Tulungan mo kong kalimutan siya at hayaan mo kong matutunang mahalin ka" napapikit ako at dinama ang sinabi niya. Parang totoo, pero impossible. Panaginip lang yon, pero parang narinig ko talaga siya..

"Pwedi bang tulungan mo ko? " muling nagecho sa isipan ko ang sinabi niya. Tulungan? Tulungan na kalimutan si paVida? Tulung--

"H-hoy! B-baliiw!!"

"AY OO TUTULUNGAN KITA!" Biglang nanlaki ang mata ko sa nasabi ko at napalayo sakanya at tumayo. Napatakip ako sa bibig ko.

"A-anong t-tutulungan?" Naguguluhang tanong niya na medyo natatawa kahit na hirap na hirap na siya. Namula ang pisngi ko kasabay nun ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

*tug dug*
*tug dug *

"A-ah ha-hahaha a-ano.. ano wala hehe " sambit at napatalikod napakamot ako sa ulo at naglakad palabas. Gosh queen tanga kanga talaga.

Naglakad ako palabas at kumuha ng basin at kumuha ng towel. Pumasok ako sa kwarto at inilagay ang palanggana sa side table at nilagyan ng towel na mainit ang noo niya.

My Extraordinary GirlfriendWhere stories live. Discover now