EPILOGUE

1K 29 5
                                    

PS: Sinadya ko siyang iikli kasi baka mas lumamang yung love story kaysa fantasy mwa :*

Chena's POV. 

Ilang taon na ang nakalipas pero tandang tanda ko parin kung pano sila nagsimula. Kung pano nasaktan ang kaibigan ko. Kung pano siya umiyak, kung pano siya magselos, kung pano unti unting mawala samin at kung pano siya pilit binubuhay ng babaeng hinahantay niyang lumakad papalapit sakanya.

Ilang taon na ang nakalipas at naaalala ko parin kung pano ko nakilala ang babaeng minahal ng taong una ko ding nagustuhan. Naaalala ko ang mala anghel niyang mukha. Ang boses niyang kay ganda. Kung pano niya kami palalahanan sa mga desisyon namin.

Tandang tanda ko kung pano siya umiyak na nagiging sanhi ng pag ulan, kung pano siya malungkot na nagiging sanhi ng paghampas ng galit na hangin, kung pano siya saktan at tuluyang mawalan ng pakiramdam na nagiging dahilan ng paglamig ng buong syudad na kinabibilangan namin. Kung pano siya tumawa at lastly kung pano niya bigyan ng buhay ang kaibigan ko.

Napangiti ako ng matamis habang pinagmamasdan ang babaeng pinaglihi sa gluta at kasing ganda ni Marian Rivera habang naglalakad palapit sa taong mahal niya. Ang kaibigan ko, na lihim sa pagtulo ng luha niya. Gusto kung lumapit at tumalon papunta sa kinaroroonan nila pero hindi maaari. Gusto kung tumalon sa kawaling ginto na ito para marating ang kinaroroonan nila pero hindi maaari.

"Baby? Bat ka umiiyak?" agad ako napalingon sa lalaking ginawa ang lahat makuha lang ang matamis kong oo.

Umiling ako at ngumiti sakanya.

"I love you " sagot ko at sumandal sa balikat niya. Rinig ko ang pagtawa niya.

"Nakakakilig talaga.." bulong niya at natawa ako. Naalala ko ang huling sinabi ni sn--angel heart ilang taon na ang nakalilipas bago siya tuluyang maglaho.

"Wag kang mag alala, pansamantalang pagkawala lang ng alaala ang iginawad ko sakanya at sa oras na makita niya ako. Agad magbabalik ang alaala niya.."

Natawa ako ng mahina, napakatalino mo talaga.

"Hey babe why are you looking at her like that?" Napalingon ako sa nagsalita, may inis sa boses niya at tila nagseselos pa.

"Hey babe, 5 years na tayo hanggang ngayon pa ba nagseselos ka parin kay arriana?"

"Hindi arriana ang pangalan niya.."

"Vida!"

"Hehe joke lang. I love you Ron.."

"I love you most vida.,"

Agad akong napangiti. Napatingin ako kay Benedict na nakasimangot at pilit tinitignan ang babaeng mahal niya sa kawali na tila camera kung nasan sila.

"Kainis, bat ba bawal ako dyan!"

"Hahahahahahaha tao ka kasi, Aires siya!" pang asar naman ni Nikko.

"Atleast ako may girlfriend ikaw wala..." Agad natahimik si Nikko.

Bulls eye hahahaha.

Napalingon ako muli sa kawali ng biglang humangin ng malakas, at nagsiingayan ang mga ibon.

" Princess Angel Heart, ang prinsesa ng kaharian. Binibigyan kita ng permiso na manatili sa lupa kasama ang lalaking ito. Ngunit, kailangan mo paring pumunta dito sa kaharian upang pangalagaan ito at ang magiging anak niyo ang magiging panibagong taga pangalaga nito sa tamang panahon. Sa ngayon, ikaw, Angel Heart ang magiging taga pangalaga nito. Maaari kang bumaba sa lupa ngunit kailangan mong kontrolin ang kapangyarihang meron ka. Sumasang ayon kaba?"

Agad tumango si angel at ngumiti.

"Kung gayo'y binabasbasan na kita.."

"Inuyasha Raven Ly, bilang taga lupa. Maipapangako mo bang mamahalin at aalagaan mo ang prinsesa at iiwasang masaktan ito?" Agad tumango ang kaibigan ko at ngumiti.

"Kung ganun, ikaw ang magsisilbing Prinsipe. At binabasbasan kita..."

Agad umugong ang sigawan sa kaharian nila... Natawa ako ng makita ko kong pano sila ikasal at bigyan ng basbas sa kaharian. Tama kayo, nasa kaharian nila sila at ang kawaling ginto ang nagsisilbing TV namin para makita sila. Kailangan nila ng basbas mula sa kaharian bago ikasal rito.

Ikinasal sila habang.. Lumulutang..

Third Person's POV

Sa kabilang banda agad napakamot ng ulo ang batang lalaki matapos marinig ang kwento ng kanyang mommy at daddy.

"Really daddy? hmm so sweet but weird.." sambit pa nito at nakaupo habang nakataaas ang kilay. Supladong nakatingin sa batang babae na nakatingin sakanya kanina pa.

"Yes baby, so how do you say its weird?" tanong naman ng kanyang mommy agad napakunot ang noo ng batang lalaki na tila iyun na ang pinakamadaling tanong.

"Duh mommy? ikinasal sila habang lumulutang what do you think about it po? Nakakatakot po kaya yun.." inis na sagot niya.

Agad natawa ang daddy niya, sabay bulong ng..

"Sakin ata nagmana to.." Agad silang nagtawanan.

Inis namang napasigaw ang batang lalaki ng tamaan siya ng bola na nilalaro ng batang babae.

Tumayo ito at maangas na naglakad palapit sa batang babae.

"Sinasadya mo yun no?" inis na tanong ng batang lalaki. "Hindi no," maangas na sagot ng babae at inilagay ang kamay sa bewang niya. "Kanina kapa e!" Reklamo ulit ng batang lalaki. "Wala akong ginagawa sayo" sagot naman ng batang babae. "Angelo! " tawag naman ng mommy ng batang lalaki. Aalis na sana ito ng magsalita ang batang babae.

"Nang aaway ng babae , bakla kaba?!"

"What? Ofcourse not. Baliw!"

"Bakla!"

"Baliw!"

"Angelo Raven!"

"Arriana Heart!"

Agad silang napalingon ng tawagin sila ng mommy at daddy nila.

"Arriana heart?" takang tanong ng batang lalaki.

"Yes, Angelo Raven!" Pagkatapos sabihin yun tumakbo na ang batang babae sa kanyang mga magulang. Napalingon ang batang lalaki ng tawagin ng mommy niya ang mommy nung batang babae.

"Arandia Ville.."

At matamis na ngumiti. Napairap ang batang lalaki, 'My mom knows her mom? Ew. That girl is freakin' baduy' bulong niya.

At naglakad paalis. Habang pinaglalaruan ang yelo sa kamay niya.

-----END----

A/N: Balak kung gumawa ng book 2 story ng anak nila hihi. so vote i mean comment kayooooo! :*

My Extraordinary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon