CHAPTER FIVE

847 23 0
                                    

Third Person's POV

Sa kabilang banda, sa kaharian ng mga hangin. Nakatayo ang reyna at ang hari. Nakasulyap sila sa isang malaking kawaling nakalutang at umiilaw. Kitang kita dito ang nangyayari sa anak nilang pasaway.

"kahit nasa lupa na siya, hindi parin siya nagbabago. taglay parin niya ang kapilyuhan na naging sanhi ng pagtapon sakanya sa lupa" anang ng Reyna at umiling iling pa. Si Reyna Airyen, ay ang ina ni Angel heart.

"Matatanggap mo kaya kong ang ating nag iisang anak ang umibig sa isang lalaking nakakasalamuha niya?" Biglang sambit ng Hari. Ang hari ay ang ama ni Angel Heart. Si Haring villairty. Ang nagmaymay ari ng Kingdom of Air . Subalit, ang kanilang anak ang nag iisang babaeng hinahangaan ng lahat sapagkat marami siyang kapangyarihang wala sakanila. Siya ang susunod na taga pagmana ng Kaharian.

"Hindi maaari villairty! Alam mo ang kahihinatnan ng tirahan ng mga tao pag dumating ang araw na siyang masasaktan." Giit ng Reyna. Napabuntong hininga ang hari .

"Subalit, hindi iyon mapipigilan airyen, isa sa mga binata ang mapapaibig siya" sagot naman ng Hari may takot na mababakas sa boses niya.

"Ikakamatay niya ang pagmamahal villairty " mahinang bulong ng Reyna. Yumuko ito na naging sanhi ng paghangin ng malakas kaya't nabahala ang mga kawal. Dali daling tumakbo naman si Arandia Ville ang pinakamatalik na kaibigan ni Angel heart.

"Mahal na Reyna at Hari ipagpatawad niyo po ang pagiging hangal ko sa ginawa kong pagsingit sainyo subalit gusto kong bumaba sa lupa." Lakas loob na sambit niya at tumingin sa Hari at Reyna na gulat sa sinasabi ng dalaga.

"Subalit Arandia, alam mo ang magiging buhay mo sa lupa. Mahirap itago ang kapangyarihang taglay ng isa sa mga Aires (tawag sa mga babaeng may kapangyarihang hangin ) " sagot ng Reyna. Napabuntong hininga ang babae.

"Alam ko po, mag iingat po ako. Kahit sandali lang po. pero hindi ko po hahayaang mapahamak ang kaibigan ko. " Lakas loob na sagot ng dalaga.

"Pag iisipan ko" tanging sagot ng Reyna.

Sa mundo naman ng lupa, papasok na si Ronnie sa school kasama ang babaeng walang pangalan at baliw na mukhang takas mental.

"Ang ganda ganda niya pero ang baliw niya" bulong ni Ronnie sabay tingin kay Angel Heart ang pasaway na baliw na babae na ngayon ay kinakagat ang kanyang kuko at nakataas ang  mga paa.

"Can you put your feet down?" mahinang sambit ni Ronnie. Tumingin si Angel Heart sa paa niya sabay sabing..

"Mabango naman a, gusto mong maamoy?" Natawa nalang si Ronnie at umiling. Habang nagmamaneho biglang sumingit ang traffic.

My Extraordinary GirlfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora