CHAPTER NINE

831 23 1
                                    

Ash's POV

Sometimes, i don't believe in destiny. but then now i do.
When two people unexpectedly met each other at the same time. Do you think it's destiny? Well. Maybe.

Nasa condo kami at nakahiga ako sa sofa, i'm damn tired. Si baliw? I don't know. Naliligo ata or what. Pagkatapos naming kumain late kami nakapasok, pero they don't mind it. Cause I can fired them.

*RING... RING*

nakabalikwas ako ng marinig ko ang cellphone ko.

"Oh?" sagot ko without even looking who's the caller.

"Apo" maikling untag niya. Pero kinabwisit ko na, are he going to open again about that arrange marriage? Tch

"What again?" iritadong tanong ko at napaupo. Nakasandal ang batok ko sa sandalan ng sofa.

"Are you ready to marry Ms.Cortodwi?" Masayang tanong niya halata sa boses niya ang excitement.

"No" maikling sagot ko.

"But you need to, beside you don't have ---"

"I do have girlfriend lo " putol ko sa sinasabi niya. At napairap.

"Oh really? Okay i wan't to meet that girl" sambit niya ewan ko ba pero medyo naaasar ang tono ng boses niya na akala mo kinuha ko lang kong saan ang girlfriend ko kuno para lang hindi maipakasal. But that's true, so? At least i'm not like him. Tsk

"When?"

"Now"

"What?! Are you out of your mind!?" sigaw ko at napatayo pa seryoso?! Ngayon niya gustong makilala si baliw?!

"Hahaha, why? " pang aasar pa niya sasagot na sana ako pero lalo akong nainis sa idinugtong niya.

"Wala kabang maipakilalang girlfriend? Hindi kana kayang tiisin? " pang aasar niya na ikinainis ko ng todo.

"Shut up! Wala kang alam! Palibhasa kasi mukha kang pera! Kaya nga wala kong magulang diba?! kasi pinadala mo sila sa Canada para lang sa luho mo! " inis na sigaw ko at pinatayan siya.

I hate him! Lakas ng loob niyang sabihin yon? Eh ano? Yong ugali ba niya kayang tiisin ng lahat? For Pete's sake! No!!

Naglakad ako patayo at pumunta sa kwarto ko. Kakatok sana ako pero nakabukas so hindi nalang ako kumatok. Inikot ng mata ko ang buong kwarto pero wala si baliw. Nasan nanaman yu---

"You we're just a dream that i once knew.. you never thought i would be right for you.. i just can't compare you with anything in this world.. cause all i need to be, be with forevermore"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang tinig nun. Napatulala ako, hindi ako makagalaw.. para siyang isang musika na isang anghel ang kumakanta.

Sobrang ganda ng boses niya..

*tug dug* tug dug*

Napatalon nalang ako ng biglang bumukas ang pinto ng CR.

"AHHHHHH! HUY MANYAK!" napabalik ako sa reyalidad sa malakas na sigaw na yun. Napatingin ako sakanya na sana hindi ko nalang ginawa.

"Ano!" Sigaw niya at lumapit sakin na nakatuwalya lang.

"Ano ba! Layuan mo ko! " sigaw ko at tumalikod. Agarang uminit ang pisngi ko. Shet, basang basa siya, nakatuwalya lang tapos uhhh!

My Extraordinary GirlfriendWhere stories live. Discover now