IVAN'S POV
7:00 pm at nandito na ako sa mukhang magarbong restau, kinakabahan ako sa kung ano ba talaga ang pauusapan namin ni Mackie. Kinakabahan din ako dahil baka uuwi si Alvin ng maaga at wala ako sa bahay. Mayghad! Ang daming pwedeng mangyari.
" Nandito na ako Mackie " text ko sa kaniya habang para akong tambay dito sa labas haha. Mga 30 seconds pa ay tumunog phone ko.
" pasok kana Ivan, nandito ako sa may number na 17 " reply naman niya sakin at pumasok na nga ako sa loob. Binuksan naman ako ng pintuan at binati pa ako ng tagabukas dun.
Habang nasa loob ako ay hinanap ko na ang may number 17, muntikan na ako maging giraffe sa kakahanap ng table at ayun nga nahanap ko na siya at nandun si mackie. Syet! Naka black coat siya? At parang round neck sando sa loob na dark blue. Naka wax din talaga ang buhok at inistyle niya. Bat ampogi ng Mackie?!
" H-hi " halos pabebe ko ng salita habang nasa harap na ako ng table at siya naman ay parang may tinetext sa phone niya.
" Ivan, I'm glad you've come. " tuwang sabi niya at tumayo naman siya para alalayan ako sa pagupo. Hahaha kala mo talaga babae eh noh?
" b-bakit dito talaga tayo kakain? Pwede naman sa Mcdo or jollybee nalang " sabi ko naman at napatingin naman siya sakin.
" haha. Nakakatawa ka talaga Ivan, syempre gusto dito para kunyari afford ang kahit mga ganitong restau " siya na nakangiting nakatingin sakin.
" sus. Afford mo din naman talaga ang mga ganitong restau kahit araw arawin mo pa. " sabi ko sa kaniya at ngumiti naman siya.
" hindi naman masyado Ivan " siya
" ano pala paguusapan natin? " tanong ko sa kaniya.
" hehe I lied. Sa totoo lang gusto ko lang kasi talaga makita ka Ivan eh " ngiwi niya sakin. At ako naman ay napakunot ng noo.
" aynako! Alam mo ba tinaya ko buhay ko para lang puntahan ka dito at para pakinggan kung ano man sana ang sasabihin mo? " ako na nagtatampo sa kaniya.
" luh? Grabe naman ang itinaya ang buhay Ivan " siya
" kasi pag nalaman ni Alvin na nakipagkita ako sayo ngayon baka kakatayin na niya ako " sabi niya at tumingin sa kaniya ng deretso at agad na kita ko ang pagbago ng ekspresyon niya sa mata. May nakita akong lungkot.
" tsk! Bakit ka ba nagboyfriend na Ivan? " biglang tanong niya sakin at napatingin naman agad ako sa kaniya. Nagsalita na sana ako ng biglang dumating ang waiter na dala ang mga pagkain namin. Nag order siya ng steak. Naku! Kulang to gusto ko ng rice. Haha
" enjoy sir " sabi ng waiter at umalis na.
" bakit nga ba Ivan? " tanong muli sakin ni Mackie habang ako ay ngumunguya na. Tahaha
" alam mo Mackie, hindi ko naman inasahan na magkakaboyfriend ako ehh " sabi ko sa kaniya habang subo ng steak ko.
" oh? Bat naging jowa mo yung wild na yun? " tanong niya
" alam mo kasi Mackie, nung una naman kasi ayoko sa gagung yun. Kasi malibog yun at fucboi. Kaya hindi ko yun type, pero sa hindi inaasahang pangyayari nahulog siya sakin at eventually nahulog narin ako sa kaniya kaya ayun, almost 2 years na kami magkasama sa bahay niya " tuwang pagkukwento ko sa kaniya. Haha nakakatuwa pala na may kaibigan ka na pwede mong sabihin ang tungkol sa past mo.
MACKIE'S POV
Parang dinudurog puso ko ngayon, hindi alam na kasama na pala sila sa iisang bahay. At sa bahay ito nung lalaki. Hindi ko na alam kung paano ako mag react, they are almost 2 years being together at sa mga time na yun, na sa States pa ako nagtatrabaho para makaipon at para makapunta na dito sa pinas at hanapin si Ivan. But I think all of those efforts wala lang pala, bat kasi ang late ko? Now I'm loosing the only person that I wanted to be with until the very last second of my life.
YOU ARE READING
KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 Boyxboy
HumorAng pagpapatuloy na love story ni Alvin at Ivan o ang pagtatapos ng storya nila? _________ and...... yun lang naisip ko haha contains scenes which may not be suitable for holy audiences. hihi *flies away with halo* #247- humor (04/27/18) #174-humor...