LIBOG2 - 16

3.5K 113 35
                                    



IVAN'S POV


At ito na yung araw na kailangan ko magpaganda? Pogi? Haha basta maging mukhang tao ako. Pictorial day namin para sa graduation pic namin. Whooo....! At ang taray lang kasi ni Alvin, nag hire pa talaga ng make up artist.

Nasa school na kami at heto kami lahat sa room at napeprepare kasi 30 minutes nalang ay pictorial na namin. Excited ako habang minemake up ako ng very light at si Alvin? Hindi ko alam kung minake-upan ba talaga siya, parang bulbos lang ang nilagay at lip shiner. Nahiya ako sa foundation na nilagay ng nagmemake up sakin. Tapos kay Alvin napaka effortless lang. Sapakin ko kaya to?

" wow. Ang cute cute na ng mahal ko oh " tuwang sabi ni Alvin habang nasa side ko at tinitignan akong minemake up.

" sus. Nambobola ka nanaman " sabi ko naman habang natapos na akong make-upan at tumayo na ako. At humarap sa kaniya.

" pakiss dali " ani ni Alvin at napataad naman ako ng kilay.

" madaming tao dito " sabi ko naman

" oh ano ngayon? " siya

" anong ano ngayon? No! Mamaya na " ako at naglakad na palabas ng room at para magpahangin. Haha baka maging PDA pa kame wala sa oras.

" Okay! BPE FOUR A, kayo na ang magpictorial dito. Fall inline lang. " salita ng nag incharge sa pagpipicture.

Agad narin kami nag line nag hintay ang turn namin. Medyo kinakabahan ako haha. Baka magmukhang gustong magtae mukha ko sa picture. Mayghad! Baka iwan ako ni Alvin dahil lang sa Graduation pic na yan. Haha

" okay next " sigaw ng photographer.

" ahm. Mahal ikaw na muna ang ma una, kinakabahan ako. " sabi ko kay Alvin at nagpalit pwesto sa kaniya.


" luh? Bat ka kabahan mahal? " takang tanong niya.

" baka pangit ang magiging picture ko " ngiting sabi ko at napatawa naman si Alvin.

" haha. Aysus. Mahal, alam mo ikaw yung pinaka photogenic dito sa lahat at kahit wacky man ang labas ng picture cute cute parin. " sabi ni Alvin.

" haysss. Nambobola nanaman. Pasok na nga dun una " ako at tinulak siya paloob. Bolero talaga tong gagu na to. Haha.

Pero nagulat ako na bigla siyang lumabas ulet at ngumiti sakin

" oh? Bat nandito ka mahal? " tanong ko at hindi niya ako sinagot at hinila nalang ako paloob.


" ahh. Sir, pwede sa Picture ko kasama ko po itong mahal ko? " at napalaki mata ko sa sinabi ni Alvin. At kinurot ko siya

" uy. Anong kasama ako sa pic mo? " tanong ko at napangiti lang siya sakin.


" ahh. Pwede ka magsama sa una mong pic na nakauniform at sa naka toga dapat magisa ka lang dun " sabi ni photographer. At wala ng sabi sabi at hinila ako ni Alvin sa may upuan at pinaupo ako dun at siya ay nakatayo lamang sa likod ko. " okay, sabihin niyo lang kung ready na kayo hah. " sabi ng photographer.

" mahal smile ka po hah, " sabi niya pero kinakabahan ako pero wala na akong magawa at magsmile nalang. " ready na kame sir " sigaw ni Alvin. Oh shoot! Ngisi Ivan.

" okay. 1. 2. 3. " at bago pa mapindot ng photographer para mag take ng picture ay agad dumampi sa cheeks ko labi ni Alvin dahilan para mapapikit isang mata ko sa kung saan niya ako hinalikan. At nabigla ako oh shemay! Wacky ang labas ko sa pic. Huhu " good shot " sigaw ng photographer.

KAHIT AKO'Y LILIBOG LIBOG ( I LOVE YOU FOR A THOUSAND MORE ) BOOK 2 BoyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon