DAGLI 6: "Tagu-taguan"

395 9 0
                                    

“Tagu-Taguan”

     "Psst!" Sitsit ng isang mumunting tinig galing doon sa madilim na sulok. "Mayra! Psst!" Tawag pa nito ulit sa batang babaeng nagtatago sa may malaking puno.

     "Sino 'yan?" Sagot naman ng batang si Mayra na may halong pagtataka at panginginig sa boses niya.

     "Si Buyong ito," sagot ng sumitsit na bata kanina. "Halika rito Mayra, dito tayo magtago!" Anyaya ng batang lalaki.

     "Ang dilim naman diyan Buyong eh. Ayoko diyan, dito nalang ako." Pagtatanggi ni Mayra at sumilip siya mula sa kanyang tinataguan at nakita niya ang taya na naghahanap sa kanila. Si Buyong.

End.

Mga Dagli Ni King SloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon