DAGLI 14: "A Friendly Chat"

151 5 0
                                    

“A Friendly Chat”

Nagkakilala kami ni Luke nung labindalawang taong gulang pa lamang kami. Magkapitbahay lang kami ni Luke at naaalala ko pa noong naglalaro ako ng bola sa bakuran namin tapos tumalbog sa likod ng bakod at napunta kina Luke at doon kami nagkakilala.

Napansin kong pinagmamasdan ako ni Luke mula sa kanilang bintana kaya kinawayan ko siya at kumaway din naman siya. Binuksan niya ang glass window nila at nakipagkwentuhan sa'kin. Pinag-usapan namin ang aming mga gusto at di gusto, paborito at kung ano-ano.

Inanyayahan ko siyang makipaglaro sa'kin dun sa bahay namin pero tumanggi siya dahil may asthma daw sya kaya hindi sya pinapayagan ng kanyang mga magulang na makipaglaro sa ibang bata o makipagkilala sa iba.

Tinanong niya ako kung may Facebook ba ako para mai-add friend niya ako at binigay ko naman yung account ko.

Tsinek ko ang account aking account later that night and accepted Luke's friend request and we got chatting. Pagkatapos ng araw na yun ay mas naging malapit na kami ni Luke.

Pagkauwi sa bahay ay agad kong binubuksan ang Facebook ko para makachat si Luke. Ito ang gawain ko hanggang umabot sa limang taon.

Isang araw, lumala na ang sakit ni Luke. At nangyari nga ang hindi inaakala.

Hindi ko na ino-open ang Facebook ko at mas naglalagi na ako sa bakuran namin at umaasang pagbuksan ni Luke ang bintana pero malabo ng mangyari iyon.

Isang gabi, pumunta sa bahay namin ang tatay ni Luke at inimbetahan kaming dumalo sa isang funeral.

“He told us about how much you both had in common.” Sabi ng kanyang tatay. “You were his only friend as far as I know.” Dagdag pa nito.

The funeral was very touching, pero pilit kong pinipigilan ang aking mga luha. Nang pinatugtog na ang paboritong kanta ni Luke, doon na ako nawala sa kontrol at hinayaan na lang na umagos ang sariling luha.

Pagkatapos ng funeral, umuwi ako at dumeritso sa bahay at uminom ng beer sa bakuran habang pinagmamasdan ang dating kuwarto ni Luke na ngayo'y wala ng laman. Pero alam kong nasa mabuting kalagayan ngayong si Luke kung saan man siya ngayon. Sa lugar kung saan wala siyang sakit, kung saan normal at masaya lang ang lahat para sa kanya. Pero kahit ganun, hindi ko parin masyadong natatanggap ang pagkawala ni Luke. Siguro kailangan ko ng closure para tuluyan ko ng matanggap na wala na si Luke at hindi na kailanman babalik pa.

At sa gabing iyon, inopen ko ang Facebook account ko at nagmessage kay Luke.

“Hello Luke.” I realised how silly I am. Kaya dinelete ko agad ang message na sinent ko at pumanhik na sa kama. Hinayaan ko na lang na nakabukas ang computer ko just in case na may magmemessage sa isa sa mga kaibigan ko.

Pero may kung anong biglang nagpatindig sa mga balahibo ko sa batok. Ang ilaw sa kuwarto ko ay tanging ang nakabukas lang na computer. Nang tiningnan ko ang computer ko, nakabukas ito sa chat box namin ni Luke at nakita ko ang mga salitang...

Luke is typing...”

End.

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now