DAGLI 11: "Other Side"

201 6 0
                                    

"Other Side"

"Mark!" Napabalikwas ako bigla at pilit hinahabol ang aking hininga. Napanaginipan ko na naman siya. Isang buwan na ang nakalipas mula nung nailibing ang mga labi niya at sa bawat pagpikit ng aking mga mata ay siya namang pagmulat ng kanyang mga mata sa aking mga panaginip.

"John, I'm sorry..." Iniwan kong luhaan ang lalaking aking pinakagusto at piniling lumayo sapagkat ang nilalaman nitong aking puso ay pinagsisisihan kong hindi ko na makapiling. Si Mark ay biglang nagbago kaya si John ang pinili ko sa mga panahong iyon pero di ko naman inaakalang magagawa ni Mark ang ganung bagay.

"Sana masaya ka." Ito ang palaging sinasabi ni Mark sa mga panaginip ko at walang pakundangan sa pag-agos ang mga luha ko sa tuwing gigising ako.

Napagpasyahan kong dalawin ngayon si Mark sa puntod niya. Sana napatawad mo na ako, Mark.

Kahit ayaw ko sa kulay na ito, ay isinuot ko parin ito dahil regalo to sa akin ni Mark nung birthday ko. Isang puting bestida.

Ikinandado ko na ang aking bahay at sinimulang maglakad papuntang sementeryo. Malapit lang naman ito kaya okay lang lakarin saka makakatipid pa ako at makakapag-isip-isip kung ano ang sasabihin ko kay Mark.

I miss you, Mark.

I set my phone into airplane mode. Ayokong may makadisturbo sa pagpunta ko dun at para maiwasan ko rin ang mga text at tawag ni John na humihingi ng second chance.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng maagaw ng isang abandonadong mansyon ang atensyon ko. 'No Trespassing' ang nakapaskil sa gate nito. Maganda sana ang bahay na ito kung naalagaan.

"Ruth!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggaling. Kung sa bahay ba o sa likoran ko?

"Ruth!" Pag-ulit pa nito pero parang ang lapit na nito sa akin. Nilibot ng aking paningin ang buong paligid pero wala akong nakita.

"Ruth..."

Napatalon ako sa gulat ng ibinulong na nito mismo ang pangalan ko sa mga tenga ko.

Napakapamilyar ng boses na ito at parang matagal-tagal na rin mula nung narinig ko ito.

"Mark?- Mark!" Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Sa kabila ng daan ay doon nakatayo si Mark na nakangiti.

Gusto ko siyang yakapin.

Wala akong sinayang na oras at tumakbo na ako sa kinaroroonan niya.

*beepppp!*

And I found myself lying at the middle of the road covered with blood. And I take my last breath while looking at the man I loved.

"Makakasama na din kita sa wakas..."

The end.

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now