DAGLI 8: "Ang Babae sa Larawan"

428 7 0
                                    

“Ang Babae sa Larawan”

     Ilang minuto nalang ang nalalabi para sa uwian ng mga mag-aaral. Si Niko ay binabantayan ang oras dahil naiinip na siya kakahintay. Binaling niya ang kanyang paningin sa labas at nahagip ng kanyang paningin ang isang maliit na picture frame.

      Oras na para magsiuwian at nagmadali si Niko na lumabas sa silid aralan upang puntahan ang kinalalagyan ng picture frame na kanyang nakita kanina.

       Nakita na niya ang picture frame at pinulot ito. May isang babae na sa tingin ni Niko ay ang pinakamagandang babaeng nakita niya sa tanang buhay niya. Nakasuot ito ng pulang bistida, naka braid ang buhok na may laso. Matamis ang ngiti nito at nakataas ang dalawang daliri o naka peace sign ang kamay nito.

     Gusto niyang makilala ang babae kaya nagtanong siya sa lahat ng taong kanyang makikita kung may nakakakilala sa babaeng iyon pero panay 'Hindi' ang tanging sagot ng kanyang mga natanongan

      Inilagay ni Niko ang picture frame sa side table ng kama niya dahil nabibighani siya sa gandang taglay nito.

     Sa kalagitnaan ng gabi habang mahimbing na natutulog si Niko ay nagising siya ng nakarinig siya ng tunog mula sa kanyang bintana. Parang kuko na kumukatok. Nakaramdam siya ng takot. Pagkatapos ng mga tunog na iyon ay nakarinig siya ng isang tawa, tawa ng bata.

     May nakita siyang anino sa bintana kaya bumalikwas siya at nagpunta sa may bintana. Binuksan niya ang bintana at lumabas. Sinundan niya ang tawa pero ng maabot na niya kung saan galing ang tawa ay tumigil ito bigla.

     Kinabukasan, nagtanong siya sa kanyang mga kapitbahay kung kilala nila ang babae sa larawan pero hindi daw. Tinanong din niya ang kanyang ina kung kilala ba nito pero hindi daw.

     Pagdating ng hatinggabi ay nagising ulit si Niko dahil sa tunog ng mga kukong kumakatok. Narinig na naman niya ang tawa. Kinuha niya ang picture frame ng babae at sinundan ang tawa.
    

     Tumawid siya sa daan pero aksidenting nabundol siya ng isang sasakyan. Namatay si Niko habang hawak hawak ang larawan ng babae.

     Lumabas ang driver sa sasakyan at sinubukang tulungan si Niko pero huli na ang lahat. Nakita ng driver ang picture frame na hawak ni Niko. Ngumiti ang driver. Nakita niya ang magandang babae sa larawan na naka taas ang tatlong daliri.

The end.

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now