DAGLI 17: "Angel"

127 5 0
                                    

“Angel”

Maraming taon na ang nakalipas, may isang ina at ama na nangangailangan ng isang pahinga at makapaglibang, kaya napagdesisyonan nilang lumabas at magsaya.

Tinawagan nila ang pinagkakatiwalaang babysitter ng kanilang dalawang anak. Nang dumating na ang babysitter, tulog na ang mga bata sa kanilang mga kama.

Kaya ang ginawa ng babysitter ay naupo at tiningnan kung maayos lang ang lahat para sa mga bata. Kalaunan ng gabi, nabagot ang babysitter kaya nanood siya ng telebisyon pero hindi siya makakapanood sa baba kasi walang cable. Kaya tinawagan niya ang mag asawa kung pwede bang sa kuwarto nila manood ng telebisyon.

Sumang-ayon naman ang mag-asawa pero may isa pang kahilingan ang babysitter.

Hiniling niya kung pwede ba niyang tabunan ng isang tela o kumot ang estatwa ng anghel sa labas ng bintana sa kwarto nila kasi kinakabahan daw siya sa tuwing matitigan ito.

Natahimik ang kabilang linya sandali, at ang ama ng mga bata kung sino ang kausap ng babysitter sa kabilang linya ay nagsabing,

"Kunin mo ang mga bata at lumabas kayo kaagad ng bahay! Tatawag kami ng pulis. Wala kaming estatwang anghel!"

Natagpuan ng mga pulis ang tatlong katawan sa bahay na patay na pagkatapos matapos ng tawag sa tatlong minuto. At walang estatwang anghel ang nakita.

Dahil ito ay nasa likod mo na...

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now