DAGLI 15: "Backseat"

154 7 0
                                    

“Backseat”

May magkasintahang naglalakbay sa isang kagubatan sakay sa kanilang magarang kotse. Nagtataka ang babae sa biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha ng kanyang nobyo. Inihinto ng lalaki ang kotse sa gilid ng daan at kinalas ang kanyang seatbelt saka tumingin sa kanyang nobya.

“May gagawin lang ako, ipangako mo sa akin na kahit anomang mangyari ay huwag na huwag kang lalabas ng sasakyan, okay?” sabi ng lalaki.

“Anong ibig mong sabihin? Bakit ka lalabas ng sasakyan? Bakit hindi ako pwedeng sumama sa'yo?” natatarantang sabi ng kanyang nobya.

Hindi sumagot ang lalaki at pasimpleng binuksan ang pinto ng sasakyan. “Look, wag kang mag-alala, wala kang dapat ipangamba basta ipangako mo lang sa akin na kahit anomang mangyari ay hindi ka aalis sa sasakyang ito.”

“I promise,” napalunok ng malaki ang babae. “Pero gaano ka ba ka-” hindi na natuloy ang sasabihin ng babae dahil isinarado na ng lalaki ang pinto ng sasakyan at iniwan ang babaeng mag-isa sa dilim.

Pagkatapos ng sampung minuto ay hindi parin bumabalik ang lalaki. Hindi na makapaghintay ang babae at sinubukang pakalmahin ang sarili. Napagtanto niya na kakaiba ang kilos ng kanyang nobyo na para bang may tinatago. Kakaiba talaga ang kilos nitong nakalipas dahil laging sinisiguro kung mag-isa lang ba talaga sila, laging tinatanong kung saan ang eksaktong pupuntahan niya pagkatapos ngayon? Di na niya alam kung mapagkakatiwalaan niya ba talaga ang nobyo niya.

Nakalipas ang labinlimang minuto pero hindi parin bumabalik ang lalaki. Sinubukan niyang tawagan ito pero hindi ito sumasagot. Nangangamba na ang babae. Kinalas niya ang kanyang seatbelt at binuksan ang bintana para makapasok ang malamig na hangin para makakalma siya.

Bigla siyang nakarinig ng isang paghiyaw mula sa kawalan ng dilim. Para itong hiyaw dahil sa sakit.

Pinag-isipan ng babae ang pinangako niya sa kanyang nobyo na hindi siya lalabas ng sasakyan pero nag-aalala siya na baka ano na ang nangyari sa boyfriend niya. Ayaw naman niyang masaktan ang nobyo niya samantalang nakaupo lang siya at hinihintay ang kinahihinatnan. Lumabas siya ng sasakyan at naglakas loob na tahakin ang madilim na kagubatan.

“Hello?” pagbabasakali niyang marinig ang sagot ng boyfriend niya.

Sinundan niya ang tunog ng paghiyaw hanggang sa napalayo na siya sa kotse at hindi na makita ang headlight ng kanilang sasakyan.

Nasa madilim na bahagi na siya ng kagubatan at sa wakas ay kanyang nasilayan ang pinagmumulan ng paghiyaw na kanyang naririnig mula pa kanina. Isang lalaking nakagapos sa isang puno at nakayuko ang ulo nito habang humihiyaw. Parang pamilyar ang lalaki sa babae, parang nakita na niya ito dito pero di niya lang matandaan. Nakita ng lalaki ang babae at nagningning ang mga nito dahil sa pag-asa. “Nanganganib ang boyfriend mo! Pakiusap kalagan mo ako! Nabihag kaming dalawa! Salamat sa Diyos at narito ka. Dali na, pakawalan mo na ako nang masagip ko na ang boyfriend mo!”

Nang marinig niyang nasa panganib ang kanyang nobyo ay agad agad niyang pinakawalan ang lalaki. Tumayo ito at tumingin sa mata ng babae. Alam ng babae na nakita na niya talaga ang lalaking ito noon pa. Ngumiti ang lalaki ng ubod ng kasamaan saka ito tumakbo sa kadiliman.

Naguluhan ang babae sa inakto ng lalaki. Dahan dahan niyang tinahak ang daan pabalik sa kanilang sasakyan. Nasaan na ang kanyang boyfriend? Sino ang lalaking iyon? Tutulungan niya ba talaga ang kanyang boyfriend? Bakit mukhang masama ang lalaking yun?

Biglang tumunog ang cellphone niya. Boyfriend niya pala ang tumatawag. Parang hinihingal ito pero parang ligtas naman at buhay pa.

“Look babe, everything's going to be alright now. Hindi kita nasabihan dahil baka matakot ka. May namatyagan akong isang lalaki na sumusunod sayo nitong nakaraang mga araw. Sinusundan ka nito kahit saan ka man magpunta. Pagkatapos ay lumalapit ito sayo pero di nagpapahalata. Natakot ako kung ano ang pwede niyang gawin sayo. Kaya kaninang araw, nagtago ako ng lubid at kutsilyo dito sa kagubatan dahil alam ko na susundan niya tayo kahit saan man tayo pupunta at nakita ko siyang tumatakbo sa likod ng kotse natin kanina. But it's OK! Nadakip ko na siya at naitali sa isang puno.”

Hindi makapaniwala ang babae sa kanyang mga narinig. Biglang namanhid ang buong katawan niya.

At nagpatuloy ang pagpapaliwanag ang kanyang boyfriend, “Sa tingin ko ay matagal ka na niyang tangkaing dukutin pero wala siyang pagkakataong gawin ito. Kaya lagi kitang pinapapunta sa lugar kung saan ay maraming tao para ligtas ka. We're going to be fine now! Itatago ko muna ang kutsilyo pagkatapos ay pupunta na ako sayo at tatawag tayo ng pulis. Pasensya na kung natagalan ako. Malamig na ba diyan sa kotse?”

Walang maramdaman ang babae. Hindi siya makagalaw o makaimik at nakatayo lang siya ng walang emosyon.

“Babe, pabalik na ako. Nasa loob ka pa ng kotse diba?”

Pinagpapawisan at nanlalamig ang babae. “I- I- I I'm so sorry, I-” pero huli na ang lahat. Natigilan ang babae pagkatapos niyang marinig ang paglaslas ng kutsilyo sa kabilang linya at paghiyaw ng isang boses hanggang sa malagutan ito. This was followed by a splattering sound that continued for a long time. Narinig niya na lang na pinatay ang kanyang kasintahan.

Nataranta siya at nabitawan ang cellphone saka dali daling pumasok sa kotse at ini-lock ang pinto nito. At doon niya lang napagtanto na wala pala sa kanya ang susi ng sasakyan.

Tumingin siya sa salamin at nabalot ng lamig ang kanyang buong katawan nang nakita niyang may nakasakay sa backseat. Duguan at tadtad ng saksak.

“Hi babe.”

Mga Dagli Ni King SloanOnde as histórias ganham vida. Descobre agora