DAGLI 19: "Happy Birthday"

164 5 0
                                    

“Happ Birthday”

Kaarawan ngayon ng kaniyang anak. Simpleng pamilya lang sila. Siya at kanyang ina lang ang magkaramay.. Kahit papano ay nakakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw.

“Ma, iimbitahan ko po ba ang mga kaibigan ko?” malumanay na sabi ng kanyang mahinhing anak.

“Oo naman, birthday mo ngayon kaya mas sasaya ang pagdiriwang mo nito kung marami tayong kasama. Sige, papuntahin mo sila.” nakangiting pagpayag ng kaniyang ina.

Kinagabihan, dumating na siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagtataka siya kung bakit wala ang kanyang ina at ang tanging nandun lang ay ang kusinero. Kusinero?

Tinanong niya ang kusinero kung nasaan ba ang kanyang ina ngunit wala itong alam at itinuro lamang ang kahong iniwan daw ng kanyang ina para sa kanya.

Sa ibabaw nito ay may naiwang sulat at sabi dito ay mamalengke lang daw siya para sa isang simpleng hapunan nila sa kanyang kaarawan.

Ang nasa loob ng kahon ay isang magandang pulang bestida at pagkakita ng kusinero sa kanya ay nilapitan siya nito at tinanong.

"Maganda ba ang kulay ng dugo ng iyong Ina?"

"Po?"

"Sabi ko tayo'y kakain na."

"Sige po." Pagsang-ayon niya. Pero nang lumabas siya para tawagin ang kanyang mga kaibigan ay wala na sila roon. Nasaan na ba sila? Tanong niya sa kanyang isipan.

Nang pumasok siya sa pintuan ay nabigla siya ng may biglang pumutok.

"Happy Birthday!"

Isang surpresa para sa kanya ng kanyang mga naglalaway na mga kaibigan na hawak hawak ang kutsilyo sa kamay at tinidor sa kabilang kamay. Nanlaki ang kanyang mga mata ng nasilip niya ang handang mayroon sa mesa.

Ang kanyang ina.

End.

Mga Dagli Ni King SloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon