DAGLI 10: "Airplane Mode"

240 5 0
                                    

"Airplane Mode"

Naglalakad ako malapit sa sementeryo. May bibisitahin lang akong malapit na kaibigan. Nagdala ako ng mga bulaklak at magtitirik din ng kandila.

"Oy Mark! Kumusta kana dyan pre? Masaya ba dyan?" Para akong baliw rito na nagsasalita at tumatawang mag-isa.

Siya si Mark ang kababata ko. Naalala ko pa noon nung pareho kaming nagkagusto sa iisang babae. Ginawa niya ang lahat para sagutin lang siya nito. Pero sa kasamaang palad ako ang sinagot. Hindi niya alam na nanliligaw din ako kay Ruth ng patago kaya nung nalaman niya ang totoo. He killed himself.

Sising-sisi ako sa pagtataksil ko sa kaibigan ko dahil makaraan ang isang buwan ay hiniwalayan din ako ni Ruth.

"Oy, nandito ka rin pala." Natigilan ako sa pag-aalala ng mga nangyari noon nang may nagsalita sa likoran ko.

"Ruth? What are you doing here?" Pekeng ngiti lamang ang binigay ko sa kanya.

"Bibisitahin ko din si Mark, John. Matagal na ding hindi ko siya nakakausap. At hindi ko parin napapatawad ang sarili ko." Nagsisisi din pala siya.

Nakasuot ng puti si Ruth ngayon at yun ang ipinagtataka ko kasi ayaw niya sa kulay na yan dahil madali daw madumihan, yan ang sabi niya sa akin noon.

Hindi na ako nagtagal doon at umuwi na. Iniwan ko siya doon ng nag-iisa tulad ng pag-iwan niya sa akin noon.

Habang nakahiga ako sa kama ay inaalala ko ang mga sandali noong buhay pa si Mark. I'm so sorry, Mark.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number.

"Hello?"

Naitapon ko bigla ang cellphone ko ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

Bo-boses n-ni M-Mark!

Nagtataka ako ng makita ko ang cellphone ko. Bakit may nakatawag? Eh naka airplane mode ang cellphone ko?

"Anak! Anak!" Boses ni Mama yun.

"Bakit po?" Lumabas ako sa kuwarto at nakita ko si Mama na hinihingal sa sala.

"Nabalitaan mo na ba? Ito oh." Iniabot ni Nanay ang cellphone niya. At tumigil ang mundo ko ng nakita ko ang imahe.

"Last week pa, Anak. Sorry." Nalulungkot na sabi ni Mama at hinahagod niya ang likod ko na para bang sinasabing 'okay lang yan, anak'.

Patay na si Ruth.

The end.

Mga Dagli Ni King SloanTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang