DAGLI 18: "LICK"

114 4 1
                                    

“Lick”

Isang batang babae ang naiwang mag-isa sa kanilang bahay kasama ang kanyang alagang aso. Sa pagsapit ng gabi ay tinarangka na niya ang lahat ng pintuan at mga bintana pero may isang hindi maitarangka. Napagdesisyonan niyang hindi na lamang ito itarangka at pumanhik na sa kanyang higaan. Ang kanyang alagang aso ay pumunta na rin sa kanyang puwesto, sa ilalim ng kama.

Sa kalaliman ng gabi ay nagising siya dahil sa pagtulo ng tubig sa banyo. Takot ang bata para puntahan ito at alamin kaya inabot niya ang kanyang kamay sa ilalim ng kama. Naramdaman niya ang pagdila ng kanyang aso sa kanyang kamay kaya natulog na lang siya ulit.

Nagising na naman siya ulit dahil sa tunog ng pagtulo mula sa banyo kaya inabot na naman niya ang kamay sa ilalim ng kama upang padilaan sa kanyang aso at natulog muli.

Nagising na naman siya ulit. Inabot na naman ang kamay sa ilalim ng kama at pinadilaan.

Tinamaan ang bata ng kanyang kuryosidad sa pagtulong tunog mula sa kanyang banyo. Palakas na palakas ang tunog ng pagtulo habang papalapit siya sa banyo. Naabot niya ang banyo at pinailaw ang ilaw.

Bumungad sa kanya ang isang nakakarimarim na tagpo. Nakabitay sa shower ang kanyang alagang aso na hiniwa ang leeg nito at tumutulo ang dugo nito sa bathtub.

May kung anong mensahe ang nakakuha ng pansin ng bata. Nakasulat sa salamin ng banyo gamit ang dugo ng kanyang aso. Sabi nito,

"HUMANS CAN LICK TOO!"

Takot, gulat, taranta, halo halong emosyon. Bago pa siya nakasigaw ay may isang matalim na bagay ang humiwa sa kanyang lalamunan.

End.

Mga Dagli Ni King SloanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon