DAGLI 9: "No Trespassing"

262 7 0
                                    

“No Trespassing”

          Kasalukuyang binabagtas namin ni John ang daan pauwi sa aming mga bahay marahil tapos na ang klase namin. Nagkekwentuhan lang kami ni John ng aming mga karanasan at kung di niyo natatanong ay magala talaga kaming dalawa. Kung saan-saan nalang napupunta ang aming mga paa.

          Habang patuloy kami sa paglalakad ay may nadaanan kaming isang abandonadong mansyon.

          “Oy John. Pasok tayo dyan oh!” Pagtutukoy ko sa mansyon. Sa mga lakwatsa namin ni John ay siya lagi ang nag-aaya kaya ngayon ako naman.

          “Mark, nakikita mo ba ang signage na 'No Trespassing'? Kaya huwag na lang! Tara uwi na tayo,” pagtanggi ni John. Ang unfair naman, kung siya mag-aaya pumapayag ako agad pero kung ako naman mag-aya tumatanggi siya agad?

          “Ang sabihin mo naduduwag ka. Dali na, ano pang hinihintay mo dyan?” inunahan ko na siya sa pagpasok para mapilitan siya. Sa wakas, pumayag na din si John.

          Pagpasok namin sa loob ng mansyon ay nakatakip lahat ang mga kagamitan ng mga puting tela. At may kalumaan na nga ang bahay na ito.

          “Punta tayo sa library nitong mansyon John baka may mga books tayong mapapakinabangan dun!” pag-aya ko at sigurado akong tatanggi na naman yan dahil namumutla na siya sa takot. Oo, nakakatakot nga kasi ang dilim at parang may kasama kami ngayon dito sa loob. Nararamdaman ko sila.

          “Wag na lang Mark! Tara labas na tayo!” namumutlang saad ni John. “M—mark? A—ano y—yang n—nasa l—likod m—mo?” buong katawan ni John ay panginginig lang ang ipinapakita ng sambitin niya ang mga salitang ito.

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at pagtingin ko rito ay—

          “John takbooo!” buong lakas kong sigaw nang makita ko ang itim na itim na malaking aso at may mga mapupulang mga mata.

          Buong lakas at bilis ay tumakbo kami ni John pero parang may di ko malamang dahilan na nagpapabagal sa aming mga paa. Gusto kong tumakbo ng napakabilis para layuan na ang nilalang na ito pero wala, sobrang bagal pa rin namin at parang nagslow-motion lang kami.

          Ibinuhos ko ang buong lakas ko sa pagtakbo kaya nalampasan ko si John ng kunti at naunahan sa pintuan. Nang nasa labas na ako ay biglang sumirado ang pinto.

          “John! John! John!” pinihit ko ng pinihit ang pinto pero ayaw bumukas. Ano ng gagawin ko? Paano na si John? “John! Maghintay ka dyan hihingi lang ako ng tulong! Sana ligtas ka dyan sa loob!” at walang pag-alinlangan ay tumakbo ako palayo sa mansyon na iyon.

         Humingi ako ng tulong sa mga magulang ko pero hindi nila ako pinaniwalaan. Humingi ako ng tulong sa mga magulang ni John pero ang sabi nila, “Hijo, wala kaming anak na nagngangalang John.” Huh? Paano nangyari iyon?

Binalikan ko si John.

          “John? Nasaan ka?” Himala at nagbukas ang pintuan nang pinihit ko ito. Nakita ko si John sa isang sulok na putlang putla. Nilapitan ko siya pero tumakbo siya papalayo sakin at pumunta sa madilim na parte ng bahay at di ko na siya naaninag pa.

          Paglipas ng taon ay bumabalik ako sa mansyong iyon pero hindi ko na muli pang tinangkang pasukin pa ang mansyong may 'No Trespassing' na nakapaskil dahil binabalot lang ito ng mga kababalaghan. At hanggang sa huli ay di ko malilimutan ang araw na iyon at di ko rin malilimutan na wala pala akong kaibigang nagngangalang John.

          Ako si John, paalam Mark. Salamat sa katawan.

The end.

Mga Dagli Ni King SloanWhere stories live. Discover now