chapter two

475 8 3
                                    

jung casper | 12:11 PM

did you have a hangover, too? basa ko sa message ni jaehyun sa 'kin. i blinked many times kasi masakit pa ang ulo ko at 'di talaga ako naniniwalang nag-text siya sa 'kin. siyempre magkaka-hangover 'yan, 4.5 bottles pa naman 'yung ininom niya kagabi. ewan ko ba kung bakit siya nagpakalasing. porke't wala na siyang schedule ha, tangina. 

yep. ba't ka ba kasi nagpakalasing nang sobra kagabi? i deliberated whether ise-send ko ba 'yun sa kanya o hindi, kasi baka masyadong personal. pero mehh, i have to know him better kasi siya ang 'husband' ko, 'di ba?

last night ko na kasi 'yun na single. ;) 

i rolled my eyes at nag-chuckle. ang galing talaga nitong mambola. 

eh 'di sana uminom na rin ako nang marami!!! >_<

may sched ka kasi eh :p wawa

sumimangot ako. oo na, eh 'di kayo na walang promotions! magre-reply na sana ako pero pumasok naman si yeji sa kuwarto at may hawak-hawak siyang tray na may gatas at siguro soup. "eonni, eat up. tiyaka maligo ka na mamaya, mayroon pa tayong shoot sa sbs."

napasimangot na lang ako at kinuha ang mga laman ng tray na nilagay ni yeji sa bedside table. "salamat," sabi ko sa kanya. 

"no worries," tiyaka siya lumabas. kinuha ko ulit 'yung phone ko at nag-reply kay jaehyun. 

eh 'di ikaw na walang sched. sige na, mag-aayos pa ako, may shoot kami mamaya. 

hoy, may nct night night ako! hehe, good luck sa shoot!

:) 'yun na lang ang ni-reply ko at kinain ang soup na ibinigay ni yeji. tiningnan ko ulit phone ko para makita kung merong reply si jaehyun, pero wala, kaya binuksan ko na lang 'yung netflix ko at nanuod ng stranger things. 

oo nga pala, na-confiscate din phone namin prior to our debut, pero luckily, within a month eh naka-first win na kami. 'di ba? the power of jyp and survival shows.

survival shows. 

yes, we were formed through sixteen season 2. marami rin kasing reklamo ang netizens sa ide-debut sana ng jyp noon kaya nag-sixteen 2 na lang siya, pero instead of nine, seven, na parang 'yung original plan niya noon. walang naibalik na nai-eliminate or stuff like that. 

hindi ko talaga ma-gets kung bakit kailangan pang sa wgm ang exposure ko, or for that matter, kailangan ko pa ng mas maraming publicity. yes, hindi ako kilalang or revealed na trainee ng jyp until nangyari ang sixteen. 'di nila ako kilala noon, 'yung mga fans. pero once na nakita nila ako, na-recognize nila ako agad. bakit?

ba't ba kasi ako nanunuod ng stranger things? 

"pinapanuod mo na naman sarili mo," napataas ang tingin ko kay somi na pumasok pala sa kuwarto ko. 

"ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya at ipinause ang video. 

"tutal may hangover ka naman, makikiligo sana ako, eonni."

"oh, sure. naliligo pa rin ba si ryujin?" tanong ko sa kanya. may cr kasi each room namin. 'di ba, yaman ng jyp? si ryujin 'yung roommate ni somi, ta's si yeji at jisoo, ta's chaeryeong at yuna. ako lang mag-isa, pero kung matutulog si manager-nim dito, 'yung pinaka-head, eh 'di rito siya. babae naman siya, eh. ka-close nga namin.

"oo, ang tagal. sumasayaw-sayaw na naman kasi sa loob ng cr, kinuha pa 'yung phone niya." napatawa ako. hay, si ryujin talaga. 

"ikaw rin, huwag kang magtagal. maliligo pa ako."

accidentally married to you // nct jaehyun (nct series #1)Where stories live. Discover now