Chapter 1.

20.1K 321 21
                                    



AGATHA...

        

            Tahimik akong nakadungaw ngayon sa bintana ng aming bahay. Pinagmamasdan ko ang paligid, dito na kami lumaki ni Fredo. At ngayon ay iiwanan ko na sila ni Nana Feliza, ayuko' mang umalis pero mapilit pa rin si nana. Para rin raw ito sa kabutihan at kinabukasan ko.

Naiintindihan ko naman siya eh kaso first time kong mawalay sa kanila at sa malayong lugar pa. Sa Maynila, hindi ko alam kung ano ang takbo ng buhay doon.

"Ugh!" napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko kaya sinabayan ko na rin ng lingon. "Bakit?" tanong ko sa kapatid kong tumabi at namintana na rin.

Tiningala ko siya. Mas matangkad na siya sakin ngayon kahit tatlong taon lang ang agwat namin.

"Ate aalis ka na ba talaga, paano kami ni nana dito?" lingon niya sa akin. "Paano kung magkasakit siya ulit, hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung papano ko siya aalagaan... 'wag ka na kasing umalis." pabuntong hininga siyang tumingin sa labas.

Marahan ko siyang binatukan, kunwari'y naggalit-galitan ako.

"Tanga ka rin ano," irap ko sa kanya habang napapakamot naman siya ng ulo. "Hindi ko kagustuhan to' noh, si nana lang ang mapilit." sabay bulong ko sa kanya at sinilip ang naka-awang na pinto. Alam kong nasa kabilang kwarto lang si nana at nag-oorasyon na naman sa kanyang mga abubot. "Basta makikitawag na lang ako 'dun ok... nakuha ko na ang number ni Erika, 'dun na lang ako tatawag."

Nakatingin lamang siya sa akin habang nagsasalita ako.

Ayuko' man siyang iwan eh wala na akong magagawa. Sa Maynila na ako mag-aaral dahil sa scholarship na ibinigay ni Mayor sa aming paaralan. Pinalad na makuha ko ang third honarable mention 'nung graduation namin kaya napasama ako sa limang papag-aralin niya.

'Yun nga lang hindi ko makakasama ang apat, sina Jayson, Patricia, Sandra at Karen dahil nakipag-usap ang kani-kanilang pamilya na magbabayad na lang ng extrang budget para mapunta sa mas magandang college schools. Eh ako, kami ni nana ay walang-wala, iginapang lamang niya ang pagpapa-aral sa akin kaya nang kausapin siya ng adviser kong si Sir Cullado tungkol sa scholarship ay hindi na siya tumanggi pa.

Ngayon ay mag-isa akong papasok sa Sebastian Modern University sa may Makati. Sabi ni Sir Cullado ay magandang school naman ito, ipinakita pa nga niya sa akin ang bawat department nito at maganda nga naman. 'Di nga lang masyadong kilala dahil bagong tayo palang ito. Hindi kagaya ng DLSU, Ateneo, UP at iba pang universities at colleges na tumatak na sa isipan ng mga tao.

"Agatha, nakapaghanda ka na ba, baka parating na'ng mga guro mo..." nagulat pa ako nang sumilip si nana sa pintuan. Ngumiti akong humarap sa kanya. "Magpakabait ka 'run, lahat ng mga bilin ko sayo'y dapat mong tandaan... minsan lang kitang papayagang magsarili at mamuhay sa malayo... kung bibiguin mo ko'y dito na lang tayo mamamatay lahat."

Tumango ako at agad ring sumagot.

"Pangako ho Nana Feliza, ibibigay ko po sa inyo ang gusto niyo." sagot ko at nilapitan siya. Niyakap ko siya at hinalikan sa kamay. "Salamat po sa lahat nana... kung hindi sa inyo'y wala po kami ni Fredo dito... kahit habang buhay ko kayong babayaran eh hindi po magkakasya 'yun sa lahat nang nagawa niyo sa aming magkapatid."

Hindi lingid sa akin ang totoo naming pagkatao ng kapatid ko. Habang lumalaki kami'y dahan-dahan rin niyang sinabi na natagpuan lang niya kami sa isang aksidente, ang mga magulang namin ay pareho nang patay...





(Nana Feliza...)

"Hayyy... bakit ang init pa rin kahit hapon na?" palinga-linga akong naglalakad habang binubuhat ko sa pamamagitan ng ulo ko ang mga pinamili ko. "Humanda na kung sino man ang nagmamaneho ng "habal-habal" na 'yun, lintek lang ang walang ganti..." galit man ako'y itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paglalakad.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon