Chapter 21.

9.4K 201 38
                                    



LORENZO....


             Kanina pa ako nakamasid dito at hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko ngayon. Totoo na yata ang hinala kong may lalaki siya't ilang beses nang nakipagtalik. Pinipilit kong kilalanin ang lalaking inaalok niya ngayon ng pagkain pero tila'y hindi rin ito ordinaryong nilalang. Hindi ko kasi makita ang mukha nito sa isipan ko. Ngayon ay nararamdaman ko na rin ang kanyang enerhiya kaya nang kumilos si Agatha at mukhang hahalikan niya ito'y napatayo ako.

Isang lahad lang sa mga pakpak ko'y agad akong nakalipad patungo sa kanila. Hindi pa rin gumagalaw si Agatha kaya lalo lamang akong nainis, galit akong pumikit at may inisip.

Sa isang iglap lang ay alam kong dumami ako.

"Uwahkkk! Uwakkk!" umugong ang mga huni ko sa buong paligid habang nagkalat ang mga anino ko.

Alam kong sa mga mata nila ay marami kami.

"Paano 'yan nakapasok?" tanong ng lalaking lumilinaw na sa paningin ko habang paikot-ikot lang ako sa loob at humuhuni nang malakas. "The windows!" narinig kong sigaw ni Christian at tatakbo na sana nang pigilan naman ni Agatha. "What?!" singhal niya dito.

"Paano sila maitataboy kung pagsarhan mo, sa kwarto dali...!" sagot naman ni Agatha kaya lalo akong nainis. Importante talaga ang lalaking ito sa kanya kaya, hemp! "Ay!" napasigaw siya dahil tinuka ko siya sa ulo.

Napatakbo na siyang papasok sa kwarto niya habang hinihila siya ni Christian'g tinutuka ko naman ngayon.

Nakasunod pa rin ako sa kanila hanggang sa pagsarhan nila ako ng pinto kaya ang pinagtuunan ko na lang ng pansin ay ang pinto. Tinuka ko ito nang tinuka hanggang sa mapagod ako.

Hindi pa rin ako nasayahan. Talagang papatayin ko ang lalaking 'yun kaya lumabas ako at inabangan sila sa labas. Tama nga ang hinala ko, agad ko siyang sinugod nang bahagya niyang binuksan ang bintana.

"Uwahkkk!" halos ipagsiksikan ko ang ulo ko sa maliit na siwang pero agad rin nitong nasarhan kaya sa huli ay paikot-ikot lang ako sa bintana at naghihintay. "Uwahk uwahkkk..." taghoy ko.

Maya't maya ko silang sinisilip pero natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Manuel sa hangin, kailangan niya ako.

Muli ko silang nilingon, kahit ayuko' man silang iwanan ay tuluyan na nga akong umalis.

May problema ba sa pagluwas nilang ito?




               Mga kalahating oras din akong lumipad bago ako nakalapag sa bahay na tinutuluyan naming lahat. Sumama na ako sa mag-anak na'to dahil sa Manila din pala sila tutuloy, sabi ni hipag ay aayusin muna niya ang naiwan niya bago sila tumuloy sa kanyang bahay.

Payuko akong tumayo habang nakaalerto pa rin sa paligid. Nasa kusina ako ng apartment na kinuha ng mag-asawa habang tinatakpan ko ng magkabila kong kamay ang kayamanan ko at marahan nang pumasok sa loob nang—-

"Oh bayaw!" nagulat si Elvira nang madatnan niya ako. "Saan ka ba pumunta?" sabay sulyap niya sa ibaba ko at nilampasan ako. "Ang kapatid mo nawawalan ng lakas... kailangan nating umalis dito... may simbahan pala sa dulo ng building na'to at ayaw niya, kahit pala boses lang ng pare eh natatakot na kayo?"

Hindi ko siya sinagot, hindi ko naman kasi alam ang pamamaraan namin sa Dios ng mga mortal. Lalampasan ko na sana ang kwarto nila Manuel nang marinig ko siyang tinatawag ang asawa niya.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon