Chapter 18.

9.5K 181 56
                                    

       


           Nakapila na kami sa mga studyanteng gustong makita sa huling pagkakataon ang isa sa mga pinakasikat dito sa campus. Syempre tatay pala niya ang president, ang minsang nakaharap ko 'nung unang pasok ko dito. At ngayon ay siya lang ang bukambibig kahit nino at saan. Nakita ko rin ang banner ng kanilang fraternity at lahat nang nakasulat doon ay pakikisimpatya sa pagpanaw ng kanilang chairman.

"Itutuloy ba natin Agatha, parang natatakot ako eh..." hila ng kasama ko habang marahang umuusad ang pila. "Alam mo sa probinsiya namin uso ang mga aswang 'dun... 'yung pinsan ko nga hindi na nakita, bigla na lang siyang nawala, pinaniniwalaan ng mga tao 'dun na nabiktima siya ng aswang." bulong nito sa akin.

Napalingon ako sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa akin.

"Naniniwala ka pa sa mga ganun'?" tanong ko. "Airina modern na ngayon, ang pinaniniwalaan ko na lang ay mga kulam at barang..." sabay tingin ko sa unahan.

Malapit na kasi kami.

"Hemmm minsan ay isasama kita sa Sta. Maria 'yun ang hometown ko at 'yung sa amin ay sa dulo pa ng Brgy. Talitay tingnan ko lang kung hindi ka maniniwala sa sinasabi ko... lahat ng mga tao 'dun pati ang angkan namin, naniniwala..." bulong pa rin niya sa akin. "Ah si president 'yun noh, ano lalapitan ko na ba?"

Napatingin rin ako sa tatlong lalaking lumitaw mula sa opposite door nitong gym. Tahimik silang nauusap-usap habang lumalapit sa kabaong ni Jakcson.

"Feeling ko'y next time na lang... baka hindi ka rin mapansin niyan' kasi nagdadalamhati." pabulong kong sagot sa kanya.

Hindi na muling umimik pa si Airina dahil kami na pala ang nakaharap sa kabaong. Napisil ng kasama ko ang kamay ko nang masilayan namin ang mukha ng namatay.

Parang nakatunghay ako ngayon sa isang matandang lalaki. Ang payat niya na halos nakikita na ang buto nito. Nagkukulay abo ang kanyang mukha habang iilan na lamang ang natitira sa kanyang buhok.

"Diyos ko..." napakurap-kurap ako nang marinig ko ang bulong ng kasama ko. "Hindi normal ang kanyang pagkamatay... nakita ko na minsan ang lalaking ito at may maganda siyang mukha, hindi ba Agatha?"

Napatango-tango ako.

"Classmate ko s—-." napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong nagbabago ang kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ko!

Biglang namaga ang kanyang mukha at unti-unting nilabasan ng dugo't mga uod. Parang hindi na ako makahinga sa nakikita ko ngayon, nakakadiri na nakakatakot!

"U-umalis na tayo dito..." marahang niyugyog ni Airina ang kamay ko sabay ang paghila sa akin. "Agatha..." tawag pa rin niya sa akin pero ako.

Parang napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw!

Napatingin ako sa paligid nang biglang dumilim. Nawala ang mga tao at ang pumalit ay mga maliliit na ibon na palipad-lipad lamang at humuhuni ng matinis. Anong nangyayari? Muli kong tiningnan si Jackson at napasigaw ako pero parang walang boses na lumabas sa bibig ko.

Biglang dumilat ang kanyang mga mata at ngayon ay matalim na tumitig sa akin. Namumula ito habang umuusok ng bahagya nang bigla siyang gumalaw, inaabot ako!

"Uy... umalis na tayo!" parang nagising ako sa pagkakatulog nang malakas niya akong hilahin. "Ano ba Agatha, iiwan na kita rito." naiinis na ring sambit ni Airina.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon