Chapter 20.

9.5K 185 32
                                    



AGATHA...


              Kanina na ako gising pero ayukong bumangon. May iniisip ako, sa tinagal-tagal na wala kaming balita sa isa't isa'y ngayon lang siya magparamdam sa akin. Dumating raw siya kagabi at hinalikan ako, hindi lang simpleng halik ang nangyari kundi' mapusok. Akala ko nga'y totoo pero ang lahat pala'y isang panaginip lamang.

Sa wakas ay pinili kong bumangon at tumingin sa salaming nasa gawing tagiliran ko.

Tinitigan ko ang sarili ko at tinanong, akala ko ba nakamove-on na ako sa kanya?

Napabuntong hininga ako habang iniisip siya. Mahirap kalimutan ang isang Lorenzo, mahirap bitiwan ang pangakong akala mo'y totoong-totoo at lalong mahirap balewalain ang nararamdaman ng sarili.

Sa maiksing panahon, o tamang sabihing "sandali" ay agad ko na siyang minahal. Naniwala at umasa pero ngayon ay mag-iisang taon nang nasasaktan ako at nag-iisa.

Tok! Tok! Tok!

"Ate, alis na ako!" narinig kong paalam ni Fredo sa akin.

"Sige, mag-ingat ka..." lingon ko sa pintuan.

Kasama ko na ang kapatid ko, matagal na.

Wala na akong narinig mula sa kanya kaya ibig sabihin ay umalis na nga.

Since bakasyon naman ngayon eh nauuna siyang pumasok sa maliit naming business, ang Helario's Place. Kung naalala niyo'y 'yan ang dating pinapasukan ko. Nagkataon namang papalugi na pala si Sir Lario last year kaya sa nakuha kong mana na dapat ay sa nanay naming si Emilda ay binili ko 'yun.

Ipinagpatuloy ko ang nasimulan ni Sir Lario at hindi lang kami sa labas ng MCC ngayon kundi' nasa loob na rin. Nakakuha ako ng isang pwesto na sa accessories naman ang bentahan. At dahil hindi ako ordinaryong babae, hindi rin ordinary ang pag-angat ng aming business. Masama na kung masama pero may ginawa akong mahika para mabenta ang paninda namin kaya parang tubig rin kung bumuhos ang grasya.

Kumusta ang pag-aaral ko?

Tuluyan na akong nawala sa list ng scholarship at pinilit ko lang tinapos ang school year na'to dahil balak ko nang huminto. Magse-self study na lang ako, hindi ko alam pero nawalan na talaga ako ng gana.

Dahil ba kay Lorenzo?

Hindi ko alam, matagal na 'yun at alam kong nakamove-on na ako sa kanya. Pero anong ibig sabihin ng panaginip na 'yun, mukhang may mangyayari.

Tatayo na sana ako para maligo nang magring ang cellphone ko. Tinatamad kong kinuha ito sa mesita at agad ring sinagot.

"Hemmm?" paanas kong tanong sa kanya.

Kahit 'di ko pa tingnan kung sino ang nasa kabilang linya'y kilala ko na.

Kilalang-kilala ko.

"Open the door, bakit nakalocked 'to?" pagkarinig ko'y agad rin niyang pinatay ang tawag. Tiningnan ko lang din ang cellphone ko saka tumayo. Hindi ko inisip ang itsura ko dahil sanay na siya sa akin at sanay na rin ako sa kanya. May tiwala ako sa sarili ko na kahit anong gawin niya'y we're just only "friends" lang talaga. "Where's Alfredo?" tanong niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Pumasok na..." tahimik kong sagot at bumalik uli sa sala. "Bahala ka na diyan, maliligo lang ako." lingon ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko.

Napailing lang ako nang tingnan niya ang ayos ko saka pabagsak na umupo sa sofa at pumikit, alam kong wala na namang tulog ang lalaking 'to.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon