Chapter 24.

8.8K 207 62
                                    



             Dinner time na yata nang makarating kami sa kanilang bahay. Akala ko'y nanahimik na ang lahat pero naglalaro pa rin sa sala ang mga bata at umiinom pa ang mag-asawa. Kakaiba talaga ang mga nilalang na 'to, kung aswang si Lorenzo eh 'di malamang aswang rin ang mga batang ito.

Aswang, ahhh dati'y takot na takot ako kahit sa mga kwento lamang pero ngayon na nakakaharap ko na sila'y parang balewala na lamang.

Nakahawak ako sa manggas ng damit ni Lorenzo habang sinasarhan nito ang pinto. Ewan ko ba, wala naman silang ginagawa sa akin pero bakit naaasiwa ako ngayon.

Hindi mapanatag ang loob ko.

"Upo tayo..." napapitlag ako nang maramdaman ang mainit-init niyang hininga sa likod ng tenga ko. "Halika na..." sabay hila niya sa kamay ko. Umupo kami sa katabing sofa ni Manuel at iniakbay ang kaliwa niyang kamay sa akin. "Sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa wasiwan Manuel..."

Nakita ko namang marahan siyang lumingon at sinulyapan ako hanggang sa huminto ang paningin niya sa katabi ko.

"Maaari ba siyang maka-usap Lorenzo?"

Hindi naman sumagot ang kasama ko kundi pinisil-pisil niya lang ang balikat ko saka lumingon.

"Ano?"

Ngumiti ako at tiningnan na rin ang nakakatanda niyang kapatid saka mahinang tumango.

"Para sa ikakabuti ng lahat ay walang dahilan para tumutol ako M-manuel..." sagot saka tumingala sa kanya. "Kanina'y pinuntahan ako ng sa isa sa mga anak ng aming lahi at pinapatawag raw ako ng kanyang ama... pakiramdam ko'y may kaugnayan ito sa nalaman ko ngayon... ang tungkol sa wasiwan." tingin ko naman sa katabi ko.

Hindi ito kumibo kundi tiningnan lamang si Lorenzo saka kinalabit ang asawa.

"Ipasok mo muna ang mga bata, may pag-uusapan lang kami..." anas nito. Nakita ko namang ngumiti sa akin si Elvira at may sasabihin sana nang hawakan na siya ng asawa sa balikat. "Sige na... susunod na lang ako mamaya..." walang nagawa si Elvira kundi ang tumalima at muling ngumiti sa akin.

"May maiinum diyan, suit yourself na lang Agatha..." paalam niya saka hinawakan sa kamay ang batang babae para makatayo.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at naglakad mag-isa kasunod ang kapatid nitong lalaki. Anong edad na ba ng mga ito, parang ang tatanda na kung magkikilos ah. Sabagay, mga aswang.

Lahat ba ay nagagawa nila? Ewan ko, wala pa akong clue kung anong meyron sila basta ang alam ko'y nangangain sila ng tao.

Muli ay naramdaman ko ang kamay ni Lorenzo sa tagiliran ko ngayon. Bahagya niyang pinipisil-pisil kaya napatingala ako sa kanya.

"Sa veranda tayo... doon din 'yan pupunta." muli ay naramdaman ko ang mainit-init niyang hininga sa buhok ko. Tumayo na siya saka inilahad ang kamay sa akin kaya kinuha ko na rin ito at tumayo. Nilingon ko si Manuel na may ginagawa sa kanyang upuan pero nang hilahin ako ni Lorenzo ay napasunod na ako. "Halika na..." giit pa niya.

Pagkasabay ko sa kanya ay inakbayan agad niya ako at ngumiti. Lalaking 'to, magpapacute na lang ba habang buhay?




"Ito ang paboritong lugar ng mag-anak sa buong bahay..." anas ni Lorenzo pagbukas niya sa glass door na tinatabunan ng hanggang sahig na kurtina. "Ahhhh mahal ko..." bumuntong hininga siya at sumandal sa haligi ng veranda saka hinapit ako paharap sa kanya. "Magsama na tayo..." ngiti niya at hinawakan ako sa magbilang gilid ng mukha.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon