Chapter 5.

14.1K 246 37
                                    



LORENZO...

          Ahhh, buntong hininga ko at walang siglang pabagsak na umupo sa mahabang "sofa". Marahan kong hinilot ang sintido ko habang nakapikit. Ganito na lang ba araw-araw ang gagawin ko? Akala ko ba dito sa Maynila mag-aaral si Airina pero bakit hanggang ngayon ay 'di ko siya makita. Halos gabi-gabi kong sinusuyod ang bawat sulok ng lugar na ito pero 'di ko pa rin siya makita. Bagkus ay sa babaeng 'yun ako napapalapit.

Ahhh, muli akong napahinga ng malalim at sumandal.

Anong gagawin ko sa'yo Agatha? Sa maiksing panahon na pagsubaybay ko sa kanya ay unti-unti ko na rin nakikilala ang pagkatao niya at iisa lamang ang napatunayan ko ngayon. Hindi niya alam na may kakaiba sa kanya, na hindi siya ordinaryong mortal kundi maging isang mambabarang. Ngayon ay alam ko na kung saan siya nabibilang na angkan, sa angkan ng mga pulestan na kung tawagin ng mga mortal ay lupon ng mga mambabarang.

Napadilat ako at napatingin sa madilim na sala.

Ramdam kong wala siyang kaalam-alam sa itatakbo ng buhay niya.

Nagsisisi tuloy ako ngayon sa mga nagawa kong 'di mabuti sa kanya. Ang 'di ko pagpansin sa kanya noon, ang pagbabanta ko sa kanya na papatayin ko siya. Isa lamang siyang nilalang na ipinanganak sa mundo ng mortal kaya naiintindihan ko na ang sitwasyon niya ngayon.

Alam kong pati siya'y 'di niya magugustuhan ang araw na magiging ganap na siyang mambabarang.

Ahhhh, napasabunot ako! Bakit ba ganito ang tinatakbo ng panahon sa akin. Si Airina ang hinahanap ko at wala ng iba. Ilang beses ko na bang natanong sa sarili ko kung bakit parang sadyang hinihila ako ng pagkakataon para mapalapit kay Agatha. Imposibleng mahulog ang damdamin ko sa kanilang mga nilalang na nagtatago sa magagandang mukha pero ang katotohanan ay pinagkaitan sila ng kagandahan taliwas sa umaapaw nilang kapangyarihan.

Ano bang mangyayari, naguguluhan tuloy ako.

Ahhh, Agatha... Ano bang maging papel mo sa buhay ko, sa buhay namin ni Airina?

Muli akong sumandal sa upuan at pumikit, ipapahinga ko lang ang isipan ko dahil bukas ay tuloy-tuloy na ang plano ko.

Papasok ako bilang normal na studyante sa kanilang paaralan at bahala na kung anong mangyayari...




"Lorenzo! Lorenzo..." palinga-linga lamang ako sa madilim na paligid habang may naririnig akong boses bata, batang lalaki. "Halika, may ipapakita ako sa'yo..." alingawngaw ng boses nito sa kadiliman.

'Di na ako nakapagpigil pa'y pasigaw na rin akong sumagot sa kanya.

"Nasaan ka ba?!" sigaw ko habang pilit pa ring hinahanap ang pinanggagalingan ng boses. "Sino ka, kilala mo ba ako?!"

"Hindi na 'yun mahalaga, ang mahalaga ay makita mo ito..."

Napakunot noo ako, naiirita na rin. Anong makikita eh puro dilim lamang ang nakikita ko.

"Sino ka bang talaga ah?!" sigaw ko na nga. "Kung isang kalokohan lamang ito'y tigilan mo na dahil wala akong sinasanto, wala akong pinipili 'pag nawawalan ako nang pasensya!"

"Subukan mong maglakad, maglakad ka lang dahil sa dulo nito'y may matatanaw ka ring dalawang liwanag..."

Muli na naman nawala ang boses kaya tahimik na akong humakbang. Hindi ako interesado sa kanyang pinagsasabi pero hindi na kasi ako kumportable sa nararamdaman ko sa dilim. Sobrang dilim na parang nauubusan na ako ng hininga.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon