Chapter 7.

12.8K 213 24
                                    


              Napaiyak ako nang mabasa ang nilalaman ng sulat, agad kong tiningnan ang oras ngayon at may naisip ako. Baka kasi dinamdam masyado ni nana ang pag-alis ko eh babalik din naman ako. Muli kong tiningnan ang oras at pumapatak na ito ng 6:31 pm. Agad kong kinuha ang pack bag ko at mabilis na niligpit ang mga personal things ko. Hindi na ako nagbihis at nagmamadali na akong lumabas, baka makaabot pa ako ng last trip papuntang Bicol.

Paglabas ko'y nadatnan ko pa rin ang dalawa sa sala pero hindi ko na sila sinulyapan man lang. Baka mapa-away pa ako at tuluyan nang maiwanan.

Patakbo kong pinuntahan ang main highway. Magtataxi na ako papuntang bus station, atleast ngayon eh wala pa kaming formal class kaya ok lang siguro na mag-absent ako kahit one day lang.

Hindi pa ako nakakasampa nang makakita ako ng taxi. Agad ko itong pinara at patakbo pa ring nilapitan.

"Ma, sa bus station papuntang Bicol..." sabi ko pagka-upo ko. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba para kay nana at sa pagod na rin sa pagtakbo. "Kuya, pakibilis naman oh nasa hospital raw ang nanay ko... hahabol ako sa last trip kuya." nakita ko kasing ayaw niyang magover-take kaya hindi ko na napigilan ang bunganga ko.

Gumalaw ang driver at bahagya akong nilingon.

"Paano kung magkaviolations ako sasaluhin mo?" tanong niya sa akin. Bahagya niyang binilisan ang pagtakbo kaya napaupo na ako nang maayos. "Alam ko kung ako sa'yo eh ipagbukas mo na lang, baka ano pang mangyari sa'yo sa daan... babae ka pa naman."

Nainis ako, mangingialam ba eh buhay ko'to kaya muli akong dumukwang para lalong makita ang nasa unahan.

"Kuya magshortcut ka na lang oh... tulong mo na sa akin." nagmakaawa na ako sa lalaking nasa mid-30's pa yata ang gulang, hindi ko kasi makita ang mukha niya "Baka mamatay 'yun eh konsensya ko pa.... dito, dito baka pwede kang magshort- cut"

Napahinto ako sa pagsasalita nang itaas ng lalaki ang kanyang kamay. Bigla siyang lumiko habang mabilis pa rin ang kanyang pagpapatakbo.

Ako nama'y natahimik dahil sinunod niya ang gusto ko pero napasilip ako sa labas sa mga nadadaanan namin. May ganito pa pala sa gitna ng Maynila, mukhang abandoned place ang area'ng ito. 'Yung mga sirang building ay napuno na ng sira-sirang banners, tarpaulin at kung anu-ano pa . Sira at walang mga ilaw ang mga poste kaya nakadagdag sa nakakatakot na view, buti na lang eh full moon ngayon.

Hindi ko na napigilan ay nakalabit ko ang driver.

"Hemmm?"

Alangan man ako'y itinanong ko pa rin.

"Kuya saang lugar na ba'to, parang hindi na'to ang daang papuntang EDSA, 'di ba ho 'dun ang magandang daan papuntang Cubao?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa dinadaanan namin. Pero nang hindi man lang siya kumibo ay kinabahan na ako. "Kuya ibaba mo na lang ako, sasakay na lang ako ng ibang taxi... sinasayang mo ang oras ko."

Hindi pa rin kumibo ang lalaki kaya lumapit na ako sa isang pinto at bubuksan ko na lang kahit magkasugat-sugat pa ako pero napatingin ako sa kanya nang malaman kong nakalocked pala.

"Hoy! Sino ka ba ah, sabi nang bababa na ako eh!" natatakot man ako'y hindi ko ipinahalata sa boses ko. "Hemp, mama ano ba!?" sinimulan ko siyang paluin, suntukin at sapakin sa likod pero hindi man lang yata nasasaktan.

Patuloy pa rin siyang nagdidrive at ni' hindi iginagalaw ang mga tinatamaan ko.

"Tulong! Tulong... tulungan niyo ako!" nagsisigaw na ako sa back seat at pinapalo ang windshield pero wala namang nakakakita sa akin. "Lord ano na naman ba'tong napasok ko ah... si nana." naiiyak na talaga ako pero pinilit ko pa ring labanan.

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon