Chapter 22.

9.2K 193 52
                                    



LORENZO...


"Isa ho akong mambabarang..." biglang tumahimik ang lahat sa sinabi niya at hindi ko na namalayan na nabitiwan ko na pala ang hinahawakan kong kutsara.

Tak!

Sumunod ang tunog nitong nakakatulig dahilan para makapag-isip ako, anong ginawa ni Manuel?!

Agad kong nalingon ang katabi ko at nakikita ko na ang iniisip ko ngayon. Nawala ang mga ngiti niya at papalit-palit sa mag-asawang titig na titig sa kanya. Mukhang galit sina Manuel at Elvira pero ang totoo ay pilit nilang binabasa ang buong pagkatao niya pero alam kong hindi nila nagagawa.

"Ahhh... saka na natin pag-usapan 'yan." pinilit kong ngumiti saka hinawakan siya sa kamay at marahang hinila. Mabilis pa ako sa hanging nakatayo habang tinitingnan nang pailalim ang mag-asawa. "Halika na... may ipapakita pa ako sa'yo." lingon ko kay Agatha na nakatayo na rin pero nakatingin pa rin sa dalawa.

Tumayo si Elvira at bumalik na ang pagngiti nito.

"Aalis na ba kayo, naghanda pa ako ng dessert diyan eh hindi niyo na yata kakainin..." pigil sa amin ng hipag ko pero ngumiti lang ako habang hinihila na si Agatha papuntang pintuan.

"Kakainin namin 'yan pero may pupuntahan lang kami..." lumipat ang paningin ko sa nakatingin lamang na si Manuel.

Pumikit ako at pagdilat ko'y nagpadala ako ng mensahe sa hangin, mag-usap tayo mamayaaa...

Pagkurap ko naman ay bumaling ako kay Agatha at marahan siyang hinipan. Ayukong maisip niyang ayaw sa kanya ng pamilya ko kaya aalisin ko na lang sa kanyang isipan ang napansin niya.

Pagkalabas namin ay dinala ko siya sa bandang tagiliran ng bahay at binuksan ang isang kotse.

"Sakay na..." bukas ko sa isang pinto nito.

Hindi siya gumalaw at patingin-tingin lang siya sa sasakyan at sa akin.

"Keylan ka pa natutong magdrive?" tanong niya sabay sakay kaya umikot na rin ako. "Sabagay ang isang taon ay matagal ng panahon para magbago ang isang tao, marami na akong hindi alam tungkol sa'yo." lingon niya sa akin.

Ngumiti ako at pinaandar ang kotse.

"Marami nga, nag-aral ako... pinag-aralan ko lahat ang mga bagay para hindi ako mapag-iwanan ng mundo kaya 'eto ako." ngiti ko pa rin sa kanya. "Ayukong ikahiya mo'ko at tulad nga nang sinabi ko ang mapag-iwanan ng lahat lalo na ang lalaking 'yun..."

"Ha haha nagseselos ka?" bungisngis niya. "Marami na ring nangyari sa buhay ko na hindi mo alam... si Christian ay pinsan ko, ganun'..." pagpapaliwanag niya. "Hemmm ganun' nga kasi ampon pala ng lola't lolo niya ang totoo kong nanay tapos 'eto binigay nila sa amin ng kapatid ko ang mana ng nanay namin kaya... kaya ganun'." pangiti-ngiti pa rin siya.

Maya't maya ko naman siyang sinusulyapan habang tinatahak ko ang daan papunta sa isang lugar kung saan palagi akong pumupunta roon noong unang luwas ko dito.

"Pero gusto ka niya..." sagot ko sa pagkukwento niya.

"Anong problema 'dun, bakit may nangyayari ba sa aming dalawa?" bahagya niyang sinilip ang mukha ko. "Siya ang lagi kong kasama at pwedeng mahulog ang loob ko sa kanya pero nasaan ako ngayon... kasama mo."

Ganun' pala, ang ibig sabihin ay nagsisinungaling ang mga mata ko sa nakita ko?

"Bakit?"

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon