Chapter 17.

10.1K 184 24
                                    



"Yes po... kayo na lang bahala Senora." Mahina kong sagot sa kausap ko ngayon sa cellphone.

Akala ko ba tapos na ang usapan namin kaninang pag-alis namin pero marami pa pala siyang sasabihin.

"Hay naku iha 'wag mo nga akong sinisenora diyan, apo kita and please put it in your mind ok, Mama Celesti na rin... basta magpapacheck-up lang ako then tutuloy ako diyan for legality, I want you to back at your own identity as Princess Ashanta del Ovalles." Pamimilit pa rin ng matanda, ok lang naman sa akin pero parang ang bilis naman kung ngayon na. Hindi ko pa nakausap si Nana Feliza tungkol dito, tiyak magagalit 'yun. "Hello iha, are you still there... ganun' na lang ah just wait me there pakisabi na lang sa kasama mo." Masigla nitong paalam at pinatay na rin ang tawag niya.

Napabuntong hininga akong napatingin sa cellphone ni Christian na palingon-lingon lang sa akin habang nagdidrive.

Tahimik kong inilagay sa tabi niya at tumingin na sa labas.

Sa isang iglap ay mag-iiba ang takbo ng buhay ko. Alam kong hindi na ako mahihirapan financially pero hindi ko alam ang magiging resulta nito. Tiyak na hindi papayag ang natitirang kamag-anak nila Christian.

Tungkol naman sa itinatago kong pagkatao ay nadagdagan pa ang iniiwasan ko ngayon o malamang nagkaroon ako ng matinding kaaway, ang mga anak ng hari ng lahing pulestan. Sabi ni Ate Marcella ay 'wag raw akong maging kampante sa lahat ng oras dahil isinapuso nila ang nangyari.

Ibig sabihin ay babalikan nila ako.

"Care for sharing your thoughts..." napalingon ako nang marinig ko siyang nagsalita. "Ano bang iniisip mo ngayon, changing of your name... your money or the request of Mama Celesti?" nakita kong bahagya siyang ngumisi at tumingin muli sa unahan.

Hindi ako nakasagot, oo nga pala. Gusto nga pala ng matanda na 'dun na ako sa kanya for my safety raw. Eh anong masasabi ni Lorenzo, tiyak na hindi 'yun papayag tsaka ayuko rin.

Maiilang na naman ako sa kanya kung sa isang bubong lang kami titira.

"Don't think about us Ashanta, think about your condition... they'll hunt you until you'll be dead." Lingon niya sa akin. "Mama's putting you only on a safer place... 'wag mo'kong intindihin babalik na si Airina."

Napakunot noo ako sa kanyang sinabi.

Si Airina... si Airina, 'yung sabi niyang ipinagkasundo sa kanya? 'Yung sabi ng papa niya? Eh panung' nangyari 'yun kung patay na ang tatay niya?

Hayyy, nahilot ko ang sintido ko. Nakakasakit ng ulo ang sobrang pag-iisip.

"Easy baby, babalik lang siya sa University... wala ng iba pa."

"Magdrive ka na nga lang... gusto ko nang makarating sa bahay." Walang gana kong lingon sa kanya.

Inayos ko na ang sarili ko, sumandal ako at pumikit.

"Don't think bout' him too much..." narinig kong anas pa ng katabi ko pero hindi na ako kumibo, hahaba lang ang usapan. Pansin ko pa naman sa lalaking ito ay naging maingay na, simula nang magkasama kami. "I like it ehm..." Narinig kong ini-on niya ang stereo at pumapainlanlang ngayon ang kantang passenger seat.

Lalo akong pumikit, nagkunwaring tulog na.

Hindi pa rin tumitigil ang utak ko sa pag-iisip. Akala ko ba inalis na ni Christian ang babaeng 'yun? Hindi naman sa ayuko' sa kanya pero 'di ba 'yun ang dahilan kung bakit lumuwas si Lorenzo at ipapakasal naman sa kasama ko ngayon? Haba lang ng hair ah...

Busaw 2: LORENZO, Ang PagdayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon