VII. Princess of Distress

1.8K 30 0
                                    

"Everyone here in campus calls you 'princess', but you don't seem happy being called with that name

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Everyone here in campus calls you 'princess', but you don't seem happy being called with that name. "

Nakatitig ang walang kabuhay-buhay 'kong mga mata sa puting kisame. Hinahayaan 'kong tunawin ng musika ang ingay at gulo sa kapaligiran. Kitang-kita sa gilid ng aking mata ang mga ka-klase 'kong masayang nag-kukwentuhan, ang ilan ay katulad ko na nasa kanya-kanyang sariling mundo.

"Bakit ang anak ng pinaka mayamang mag-asawa sa islang ito ay parang mas malaki pa ang problema keysa sa mga magsasakang kumakayod para magka-pera? "

Bumalik sa isipan ko ang sinabe ng taong 'yun, dalawang taon na ang nakalipas.

Ang pinaka-unang tao na nakapansin sa tunay 'kong nararamdaman. 

"Gusto mo ng totoong kaibigan? Well, I can be your first friend. "

Friend? Tsk, friend my ass.

"Sollace, I think your name is prettier than 'princess'. " 

Patagal ng patagal ang titig, unti-unting bumubuo ang mukha niya sa puting kisame. Ang nakangiti at maaliwalas niyang mukha. Ang boses niya na punong-puno ng sinsiredad. Hanggang ngayon kabisado ko pa rin ang mu-munti niyang galaw. 

"I'll never leave you. I'll be your friend 'till we grow old. "

Dahan-dahan 'kong tinanggal ang earphone mula sa aking tenga habang nanatili pa rin ang tingin sa kisame ng classroom. Pumalit sa musika ang tawanan at asaran ng mga ka-klase ko. 

Dear old me, bakit sobrang tanga mo? 

I shouldn't have accepted his hand. 

I should've ignored him in the first place. 

I should not have allowed him to shatter the trust I had worked so hard to built for years.

"S-sollace? "

Gulat akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Bumungad sa harapan ko ang inosenteng pagmumukha ni Vivien. 

"Anong kailangan mo? " tanong ko, malamig ang boses. 

Maryce and her idiot friends are suspended for God knows how long kaya malaya siya ngayon. Walang inutil na palagi siyang pinag-didiskitahan. 

"Uh--eh ano, k-kasi . . . " napapakamot siya sa batok. Mukhang hindi mahanap ang tamang salitang nais sabihin. 

Bagot ko siyang tinignan, "If you don't have anything to say, bumalik ka nalang sa upuan mo. Don't waste my time. " ayaw 'kong lumapit siya sakin at mag-aakalang ako ang bagong superhero na palaging magliligtas sa kanya sa tuwing siya'y nasa kapahamakan. Ayaw 'kong may sunod ng sunod sakin.

The Paradise of Eternal SorrowWhere stories live. Discover now