xxiv. The guy from the past

1K 15 3
                                    

S O L L A C E

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S O L L A C E

- MOMENTS BEFORE DIANA'S CAR CRASH-


Pagkatapos umalis ni Vivien ay pinagpatuloy ko ang pag campus tour para hanapin ang diary ni lola. Lahat ng library ay inisa-isa ko, nagbabasakali na mahanap ito. Ngunit sumapit ang hapon, wala pa rin. Plus, Marco kept asking me to go out with him. Nagtaka nga ako nang mag text siya sakin. Kanino naman kaya niya nakuha ang number ko? Si ate ba nagbigay? Ah basta, I was trying so hard to avoid him. It's not that there's something wrong with that guy, I just don't want to get close to anyone.

Nang aksidente kaming nagkita sa isang coffee shop malapit sa school, kumaripas talaga ako ng takbo papalabas. Hindi inalintana ang mga nagtatakang mukha ng mga costumer. Marco was so persistent, hinabol pa ako. Buti nalang may nadaanan akong Record shop kung saan walang masyadong tao sa loob, kaya naisipan kong doon magtago. I even tried to hide my face with a random vinyl record while peeking out the window, where I noticed Marco looking around, trying to find me.

When he gave up, napahinga ako ng maluwag.

On the other hand, glad I stumbled upon this place. Miss ko na bumili ng mga vinyl. Naglibot-libot muna ako saglit sa store, naghahanap ng bibilhin kahit naiwan sa Green Will ang phonograph ko. Naalala ko tuloy ang walkman na iniwan ko rin kay Grey.

Kamusta na kaya ang multong 'yon?

I saw The Beatle's Abby road album kaya walang pag da-dalawang isip na binili ito. My favorite from this album is 'Here comes the sun'. It makes me think of sunset and the gentle breeze of summer. Malaki ang ngiti ko nang lumapit sa cashier area at kinuha ang card sa wallet.

When I hand my card to the cashier, my entire body froze in an instant.

As he recognized my face, he couldn't speak either.  Parang may bumara sa lalamunan niya na kahit pag ngiti ay nahihirapan siya.

"S-sollace. . . " He finally found his voice.

I gave him a solemn stare. "Zade." His name is like a thorn to my tongue, it's hard to say it.

Dalawang taon ang nakalipas. Dalawang taon niyang iniwan sakin ang bangungot ng nakaraan kasabay ng kanyang biglang paglaho. Up until now, the debris from his destruction was still there. Now that we're finally facing each other, I think it's time to return the debris to him.

Sa loob ng dalawang taon, maraming nagbago sa mukha niya.His features are still soft and gentle, but his eyes no longer contain the sparks they used to. May balbas din siya at may mga piercings sa tenga. Kahit ano pang nagbago sa mukha niya, mamumukhaan ko pa rin siya.

"Can we talk outside?" He asked.

Hindi ako sumagot bagkus ay lumabas ng store bitbit ang biniling vinyl at hinintay siya.

Gabi na pala. 

Ilang saglit pa, naramdaman ko siya sa tabi ko. I remained silent while he's trying to compose himself. "You still look the same." unang lumabas sa bibig niya.

The Paradise of Eternal SorrowWhere stories live. Discover now