XII. Mission: Get closer

602 12 8
                                    

T H I R D   P E R S O N   P O V 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

T H I R D   P E R S O N   P O V 


Pagsapit ng umaga sa unang araw ng Nobyembre, sinimulan kaagad ng dalawang anghel ang kanilang misyon na mapalapit si Sollace kay Grey. Hindi ito naging madali gaya ng inaasahan nila.

"Ayaw niyo po bang pumasyal, Ms. Sollace?" pasigaw na tanong ni Yana habang naghuhugas ng pinggan. Samantala, abala sa pakikinig ng musika si Sollace suot ang headphone nito. Walang tao sa kusina kaya tumambay muna ang dalaga bago umuwi ang kanyang nakakatandang kapatid.

"I feel lazy right now." walang masyadong pakialam na sagot nito, hindi binabalingan ng tingin ang huli.

Napapikit sa inis si Yana at sinubukan ulit kumbinsihin ang dalaga, "Napakaganda kaya ng panahon ngayon. Sigurado ka bang ayaw mo lumabas? Bisitahin ang lolo mo, ganun?" 

"I just visited him the other day." 

Sa huli, napabuga siya ng hangin, bigo sa unang kumbinse.

* * * * *

"Sollace, nakapunta ka na ba sa Green Will forest? Maganda ba dun?" tanong ni Vivien, sinusubukang magsimula ng usapan.

Nakatuon ang atensyon ni Sollace sa binabasang libro na ang pamagat ay 'Little Women'. Seryosong-seryoso ang mukha nito, nakakunot ang noo, mukhang ayaw magpa-abala.

"Diba pagmamay-ari niyo ang lupaing 'yun, sigurado akong nakapunta ka na dun. Anong meron dun? Gusto kong pumunta, o kahit silip man lang." pangungulit pa ni Vivien.

Nag-angat ng tingin si Sollace, matalim na tinignan ang kaharap. "Shh, we're in a library. Ang daldal mo. If you want to go there, goodluck." pabulong na sita niya at muling itinuon ang atensyon sa binabasa.

"Dear Lord, I'm losing my patience." napasalampak na lamang siya sa kinauupuan.

* * * * *

Ilang pangungumbinse ang nakalipas, tila naawa sa kanila ang Dyos at binigyan ng huling pagkakataon ang dalawang anghel upang pakumbinse si Sollace na magtungo sa kagubatan.

"Ano kayang maganda i-paint?" tanong ni Sollace sa sarili, tinititigan ang blanko na canvas.

Ngayon lamang ulit niya ginalaw ang mga kagamitan sa pagpinta. Hindi siya magaling 'di tulad ng pinsan niyang si Shane, subalit paminsan-minsan 'pag walang magawa ay sinusubukan niyang matuto.

Insaktong pumasok si Yana sa kanyang silid na may dala-dalang cookies. "Ay naku, ang paraiso sa Green Will forest ma'am! Magandang i-paint 'yun." biglang sagot niya kahit hindi naman tinanong.

"Ang talas ng pandinig mo ah." ngiti ni Sollace at napatingin sa nakabukas na pintuan kung saan makikita ang kagubatan.

"Sabagay, the paradise is really magnificent." giit niya, matamis ang ngiti.

The Paradise of Eternal SorrowWhere stories live. Discover now