VIII. The Start of Curiosity

1.7K 22 2
                                    

Third Person POV

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Third Person POV

"Abo, sunod-sunod na ba pagkikita ninyong dalawa?"

Naka-abang si Zarof sa puno ng mangga, kanina pang hinihintay si Grey dumating. Nakapandamit pang-tao ito at may bitbit na shopping bag sa kamay.

Imbes na sagutin ay dumiretso sa ilog si Grey at naghilamos. 

"Uy aba, aba, hindi ka na ngayon namamansin, masama na naman ba loob m—"

Napahinto ang binata at sinamaan ng tingin ang anghel. "What do you want Zarof? " wala sa mood niyang tanong.

Kumurba ang gilid ng labi ni Zarof. "Nagtatanong lang naman eh. So, ano na? Natanong mo na ba siya tungkol dun? Sinabi na ba niya sa'yo ang katotohanan? " 

Matapos maghimalos ay kaagad sinuklay ni Grey ang buhok gamit ang mga daliri tsaka pinunasan ang mukha. "Sabi ko naman sa'yo diba, wala akong lakas-loob sabihin sa kanya ang sekreto ko. "

"Ano yang dala-dala mo?" sunod niyang tanong nang makita ang bitbit na shopping bag ni Zarof.

"It's for the disguise, you know. Disguising myself as that girl." biglang naalala ng lalaking anghel ang nakakahiyang pangyayare kanina sa mall. "Hindi na talaga ako mag sho-shopping sa susunod. You know why? Tinanong kasi ako ng salesday kung anong size raw ang dibdib ko. Tapos sagot ko sa kanya, ate kahit anong size nalang po. Nakakahiya! Pinagtawanan nila ako. " nagkulay kamatis ang mukha niya.

"Kasalanan ko ba 'yun eh wala naman akong alam sa mga damit pang babae! "

Napailing si Grey, palagi itong may baon na nakakahiyang pangyayare sa tuwing binibisita siya nito.

Madami pang kinwento ang anghel tungkol sa mga pinagdaanan niya habang nag sho-shopping. Samantala sinuot muli ni Grey ang puting long sleeve niya na tinirnuhan ng itim na pantalon.

"Noong nag transform ako sa orihinal kong anyo, palaging may sumusunod sakin na mga highschool students. Hingi ng hingi sa facebook account, instagram at pati number ko! Ayun, binigay ko sa kanila ang number na nakita ko sa newspaper. Ganyan na ba talaga ang mga dalaga ngayon? Ang lalakas ng loob!" 

Pagkatapos magbihis ni Grey ay insaktong tapos na rin si Zarof mag-kwento sa mga adventures niya. 

Alas syete pa ng umaga, hindi pa gaanong sumikat ang araw. Rinig na rinig sa buong kapaligiran ang huni ng mga ibon at ragasa ng ilog. 

"Hindi ba't iniligtas mo ang buhay niya noong una niyong pagtatagpo? Edi may utang na loob siya sa'yo. " biglang napagtanto ni Zarof.

The Paradise of Eternal SorrowOù les histoires vivent. Découvrez maintenant