XIX. Isabella meets Emillia

1.3K 18 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


E M I L L I A

Paulit-ulit akong huminga ng malalim habang tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin. Halata ang labis na kaba sa aking mukha. Hindi maawat sa pagnginig ang aking kamay. Kahit anong pagtatahan ang aking ginawa, wala itong epekto dahil tila anong oras ay maduduwal ako.

Matapos ang ilang minuto, hinanda ko ang aking sarili bago lumabas ng banyo.

Makikitang masaya na nag-kukwentuhan ang pamilya nina William kasama ang pamilya Florente na kakagaling lang sa Espanya. Andito rin ang ina ng aking asawa na pangalawang beses ko pa lang nakasalamuha.

Bumalik ako sa aking upuan katabi ng aking asawa. 

"Maayos lang ba ang pakiramdam mo?" bulong niya sakin.

Tumango ako kahit ang totoo ay gusto ko nang magkulong sa kwarto.

Hinihintay lang namin dumating sina Isabella at ang kanyang mga kapatid. Ayon sa ina ni William, matatagalan daw sila dulot ng matinding ulan sa Maynila. Oo, kinailagan muna nilang huminto sa Maynila bago makarating dito. 

Sinusubukan kong iwasan ang mga titig nilang lahat. Ngunit aksidente akong napatingin sa aking harapan kung saan nagsalubong ang tingin namin ng batang babae. 

Umarko ang kilay niya na tila sinasabing, "Oh, anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Napatikhim ako at lumingon sa aking likuran, kunware may hinahanap. 

Ang batang 'yun ang pinakamataray sa lahat ng mga Argaze. Parang pinaglihi sa sama ng loob dahil palaging seryoso at nanghahamon ng away. Sa aking pagkakatanda, ang pangalan niya ay Pora.

Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin sa wakas ang aming hinihintay. 

Sinalubong nila ng mahigpit na yakap sina Isabella at ang iba pa niyang kapatid na sina Gabriela at Camilla. Pati si William ay yumakap din ng mahigpit sa kanya, tuwang-tuwa na muling makita ang matalik na kaibigan.

Samantala, mukha akong disenyo na poste sa gilid. Panay ngiti ang iginawad ko, hinihintay na ipakilala ako ni William sa mga bagong dating na bisita. 

"Dios mío, te he extrañado tanto! " rinig kong wika ni Isabella, parang mapupunit na ang labi sa lawak ng ngiti.

(Translation: Oh God, I've missed you so much!)

"Yo también te extrañé. " giit pabalik ni William nang matapos ang kanilang yakapan.

(Translation: I missed you as well. )

The Paradise of Eternal SorrowWhere stories live. Discover now