Chapter 1

3.4K 53 1
                                    

2 YEARS LATER.
Ruki's POV:)
Nagpunta ulit ako sa hospital dahil sumasakit nanaman yung paa ko. I wanted the doctor to see how my legs were going tsaka sinabi niya rin sa akin 2 years ago na bisitahin ko siya sa tuwing sumasakit ang mga paa ko. This happened to me two years ago when I got into an accident.

Naglalakad na ako papunta doon sa opisina nung doctor. Agad naman din akong nakarating dun. Nung nakarating ako, agad naman akong pumasok nang hindi kumakatok. Tumingin naman sa akin yung doctor at sinenyasan niya akong umupo sa harap niya.

"Mr. Mukami. How have you been? Ngayon ka lang pumunta ulit after 2 years ah. I guess you're here because you think that there's something wrong with your legs, right?" Sabi nung doctor

Matagal na panahon na ang nakakalipas nung huli akong tawagin nang mga tao gamit yung last name nang father ko. I don't usually use that but since I have accepted him as my father, I got used to it.  I still hate my father up until now pero wala na akong magagawa pa dahil kahit anong gawin ko, tatay ko pa din siya.

"I've been fine. Thank you. I just feel the pain again." Sabi ko 

Tumango naman siya bilang tugon. Tumayo naman siya at pumunta kung saan merong mga wheel chair. Kumuha siya nang isa at tinulak yung wheel chair hanggang nasa harap ko na ito. Sinenyasan niya naman ako na umupo doon sa wheel chair. Hindi naman ako pilay but I guess it will work out. I don't mind.

"There aren't any available nurses around right now so can you manage to bring yourself doon sa nage x-ray? Susunod na ako doon. I just need to fix something." Sabi nung doctor

Napatango na lang ako. I then started to work on the wheels. Mahirap siyang iandar pero kakayanin naman. Nanatili lang akong nakatingin dun sa wheels nung wheel chair dahil mas madaling paandarin kapag ganon.

Hindi ko alam kung anong sinasabi ko ngayon but I'm saying it anyways. Akala ko nga okay na ang mga paa ko pero pwede din pala siyang sumakit. I even stayed in bed for months nung nangyari yung accident na yun. Jin assisted me. He can't assist me right now because he's schedule is full.

Masyadong naging tahimik ngayon at walang masyado nangyayari sa mga buhay namin. It's boring as alwayd pero lagi kaming kumakain magkakasama tuwing lunch. Wala namang masyadong gagawin pagkatapos nun. Puro mga trabaho lang.

Si Damon naman hindi ko na alam kung nasaan dahil nung binisita namin siya noon sa ospital, sinabi sa amin nang nurse na, na discharge na siya. He even paid for his own hospital fees. That was the last time we heard from him.

Hindi na kami gumawa nang effort na hanapin siya pagkatapos nun. Masyadong malaki ang Pilipinas para hanapin pa siya. Gustuhin man namin siyang hanapin, hindi naman namin magawa dahil hindi naman siya mawawala kung gusto niyang magpahanap diba.

Maybe he needs space. Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nang mawala si Damon. Hanggang ngayon hindi pa din siya nagpaparamdam sa amin. He's spending his time really well.

Nagulat naman ako dahil may muntik na akong mabangga na tao na bigla na lang sumulpot sa harap ko. Nakita ko nalang na may biglang nag appear na kamay sa harapan ko. Nakastop signal yung kamay niya.

Buti na lang at mabilis kong nahinto yung wheel chair kung hindi nabangga ko na siya. Tumingin naman ako sa tao na nasa harap ko. Nanlaki naman ang mga mata ko. Is this true? Siya ba talaga ang nakikita ko ngayon?

Bigla naman niyang nilahad ang kamay niya sa harap ko. Gusto niyang makipagshake hands sa akin. Hindi naman ako na nananaginip ngayon, diba? Kung panaginip man to, ayoko nang magising. Pwede bang dito na lang kami sa pwesto na to. 

Hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko. Siya ba talaga to? Ayokong maging isang panaginip ito pero para lang talaga siyang isang panaginip. Pagkatapos nang ilang taon, nakita ko na ulit siya.

Gusto kong masiguradong wala ako sa isang panaginip. Gago ka, Ruki. Kanina pa nakalahad yung kamay niya sa harapan mo. Baka nangangawit na siya.

Pagkatapos nang dalawang taon nakita ko na siya ulit. Siya nga ba talaga to? Is that you, Ziah? Tinignan ko siya nang maigi bago ko tanggapin yung kamay niya na nakalahad sa harapan ko. She still has those beautiful eyes. Sobrang dry na nung lupa niya. Mukha din siyang bagong gising sa itsura niya ngayon.

Pagkatapos ko siyang titigan nang ilang minuto, tinanggap ko na ang kamay niya. It's warm. She's alive. Pero paano nangyari yun? Nakita ko siyang nalaglag sa harap ko. Paano siya nakasurvive?

"It's nice to see you again, Ruki." Sabi ni Ziah na may kasamang isang malaking ngiti

Shit. I have seen an angel again. Pagkatapos nang ilang taon, buhay pa din siya. Pero paano? Paano siya nabuhay? Noong sinabi niya yung pangalan ko dun, nasigurado ko na, na hindi talaga ako nananaginip.

Para pa rin talagang panaginip ang lahat nang ito. Hindi impossibleng mangyari pero bakit ganon? Napakahirap pa rin paniwalaan. Bigla niya namang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Hindi ko naman napansin na hindi ko natanggal ang mga kamay ko sa harapan niya. Nakakahiya. Teka nga lang. Kailan pa ako nahiya?

"I see that your still processing everthing. Alam kong marami kangmga tanong but I'm going to answer all of those question in the right time. I'll see you again tomorrow. Be careful this time." Sabi ni Ziah bago siya naglakad palayo

I was really in the state of shock right now. Hindi ko ine-expect na makikita ko ulit siya dahil pagkatapos nang dalawang taon, naniwala ako na patay na siya. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Siguro nga yung ang dahilan kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya.

Pero paano? Paano siya nakasurvive? Siguro sasagutin niya ang mag tanong ko kapag kaya ko na siyang kausapin. Pag nasa tamang pagiisip na ako. Masaya ako na buhay siya.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
book 3 is out! i hope that you enjoyed reading this chapter!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now