Chapter 9

936 36 1
                                    

Ziah's POV:)
Pagkatapos kong kausapin si Jin, meron pa akong kailangang kitain ngayon. Sa kanya ako natatakot. Hindi ko alam. Siguro dahil sobrang bait niya. Baka nagiba na ang tingin niya sa akin.

I hate to admit it but I'm scared of what his reaction will be. Papunta na ako sa coffee shop na kung saan kami magkikita. Sana maging okay kaming dalawa. Katulad namin ni Jin.

Actually akala ko nga magagalit sa akin si Jin e pero hindi. He was chill with it at naintindihan niya ang mga rason ko. Yun ang gusto ko kay Jin. Masyado siyang open-minded and I admit, kinabahan ako nung una pero okay lang naman yung kinalabasan nun.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Feeling ko may mangyayaring masama. Alam ko naman na minsan nago-overthink lang tayo pero I don't that I'm overthinking right now. Gusto ko mang isipin na nago-overthink lang ako pero alam kong hindi naman.

Clearly Jin and Kit are both different people, they'll react differently. Hindi ko alam. Dalawang taon na ang nakakalipas nung huli kong nakita si Kit. Alam ko ding naging masakit sa kanya ang pagkamatay ko.  I hope this doesn't end badly.

Nang makarating ako sa coffee shop. Pumili ako ng silya at agad akong naupo. Dati paborito ko ang uminom ng kape pero hindi na ngayon. I stopped drinking coffee two years ago. Mas mahilig na akong uminom ng juice ngayon.

"Can I sit here?" Tanong ng isang pamilyar na boses

Hindi ako tumingin dun sa lalaki. Masyado akong busy sa mga iniisip ko. Nung tinanong niya ako ulit, napatingin ako agad sa kanya. Nagulat naman ako dahil si Kit na ang nasa harap ko.

Kinakabahan na ako lalo ngayon. He looks more mature now pero ngayon feeling ko hindi na siya ang Kit na nakilala ko. Wala na siyang emotion ngayon. It's like he turn off his humanity. It's like he doesn't care anymore.

"Kit."

Tumingin siya sa akin na para bang hindi niya ako kilala. Masakit na ginagawa niya yan. Parang wala na lang ako sa kanya. It may not really be a big deal pero masasabi kong nagbago si Kit. Two years may be long enough for a person to change.

"Ziah, two years. How do you explain that to me?" Tanong ni Kit

I could hear the pain in his voice. Hindi man niya ipahalata yun pero alam ko na nasasaktan siya. Best friend ko siya at nandito siya para sa akin sa tuwing kailangan ko siya. Wala naman ako sa tabi niya nung ako yung kailangan niya.

Hindi ko naman talaga matatawag na best friend ang sarili ko dahil nasaktan ko siya. Hindi ko sila inisip nang mga panahon na yun dahil sarili ko lang ang inisip ko.

"I just woke up from a coma, Kit. I wanted to be there for you nung may problema ka pero wala ako nun. I've been a horrible friend to you. I wanted to apologize for that. I just don't know how to make up for all of it. I know that apologizing wouldn't change anything." Sagot ko

I could see the pain in his eyes. Sinarado niya ang mga mata niya saglit. Bago niya ito binuksan ulit. I just want my best friend back kahit na alam kong impossible nang mangyari yun.

"Sana manlang nagiwan ka ng message or something. Hiding for a few days won't do any help because some of us are still grieving for you, thinking that you're dead when your not! Nag suffer din kami. Gusto kong maintindihan yung sitwasyon mo ngayon, Ziah. Isipin mo din naman yung mga taong hinintay ka. Umiyak silang lahat. Hindi mo ba naisip yun? Masaya ako na buhay ka pero sana respetuhin mo muna ang desisyon ko ngayon. Ayaw muna kitang makita." Sabi ni Kit

Nasasaktan ako ngayon sa mga sinasabi niya. It's like he's breaking my heart into pieces. Akala ko maiintindihan niya ako. I knew he did pero alam ko din naman na nasaktan ko siya nang sobra sobra. I'm not going to blame him for not wanting to see me anymore. I completely understand. He's right.

Hindi ko naman talaga naisip ang mga tao sa paligid ko. I never thought that they would feel this way. I thought that if years had already gone by, they will be able to move on.

"You don't know how sorry I am, Kit. I want to make up for all of my mistakes pero alam kong hindi magiging madali yun. I know apologizing won't do anything. I'm still sorry. I won't blame you for anything. Alam kong ayaw mo na akong makita. Masaya din akong makita ka, Kit. Sana nakapag move on ka na sa nangyari dahil kailangan kita ngayon." Sabi ko

I sound so desperate right now. I am though. I'm really need Kit's help right now. He's the only person who could help me. Alam ko naman na nandyan si Ruki at si Jin pero iba kasi ang tulong na maibibigay sa akin ni Kit.

It may not be so obvious but the reason why I came here is because I need his help. Siya kasi yung pinaka walang issue sa buhay. Kailangan ko nang tulong niya kasi gusto ko nang makausap muli ang mga kaibigan at kapamilya ko.

"I told you, Ziah. I don't want to see you right now. Give me time to process all of this." Sabi ni Kit

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Nararamdaman ko na parang kinamumuhian niya ako ng sobra. Nararamdaman ko naman na tumutulo ang luha ko. Is it really that hard to forgive me for what I did?

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! feel free to send a message in my twitter account: @/xrhkx or on my email address. enjoy the rest of the day!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt