Chapter 3

1.2K 34 2
                                    

Ruki's POV:)
Kahapon pagkatapos ko siyang kausapin, buong araw nag practice ako na maglakad. Masakit pa rin siya pero kaya ko naman. Natitiis ko naman yung sakit.

Pinapaalis na rin ako nang doctor sa hospital dahil sabi niya, kaya ko naman na daw. Bumalik na lang daw ako ulit sa kanya kung may masakit sa akin. Maganda yung mood ko ngayon dahil pwede ko na siyang makita at makausap ulit.

May dala dala akong bulaklak para sa kanya na pinitas ko lang dun sa garden nang hospital. Kanina ko pa tinanong sa nurse kung anong room number niya. Papunta na ako ngayon sa kwarto niya.

Hindi na ako kumatok nung nakarating ako sa tapat nang kwarto niya. Hindi naman daw siya nagkakaroon nang bisita sabi nung nurse niya.

Pagkapasok ko nang kwarto ni Ziah, wala naman akong nakitang taong nakahiga sa kama niya. Sobrang ayos nung kama na nasa harapan ko, para bang walang humiga sa kamang yun. Bigla ko namang nilapag yung mga bulaklak na hawak ko sa kama niya.

Umalis na siya? Umalis siya nang Hindi manlang siya nagpapaalam? Akala ko okay na kami? Akala ko hindi niya na sasayangin ang paghintay ko sa kanya?

Magtatago nanaman ba siya mula sa akin? Wala manlang siyang sinabi sa akin. Parang kahapon kausap ko pa siya, hindi ko maintindihan kung bakit ganito si Ziah.

Sobrang hirap niya nang basahin at intindihin. Pinipilit kong intindihin siya pero kahit anong gawin ko, hindi ko kaya. Kahit anong gawin ko, kahit gaano kalalim pa ang hukayin ko mas lalo lang nagiging magulo ang lahat.

Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong makakuha nang mga sagot mula sa kanya. Wala e. She's still keeping me in the dark. I wanted to dig deeper pero wala. Wala pa rin akong nalalaman tungkol sa kanya.

"Why are you so mysterious now, Ziah?" Bulong ko sa sarili ko

Mukha man akong baliw ngayon pero kanino ko itatanong yan kung wala na yung taong pagtatanungan ko. Ni hindi manlang siya nag iwan nang clue. Hindi manlang siya nagpasabi.

She doesn't trust m. She acts like she does but she doesn't. Ano ba ang ginawa ko sa kanya pa hindi niya ako pagkatiwalaan?

Ziah's POV:)
Umalis ako sa hospital nang hindi manlang nagiiwan ng mensahe kay Ruki. Alam kong ire-release na siya ngayon at hindi pa dapat ako lalabas nang hospital pero pinilit kong maging okay. I just woke up from being in a coma a few weeks ago.

Hindi ko pa pwedeng sagutin ang mga tanong ni Ruki. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya kung sino ang nagligtas sa akin. Gusto kong mag sorry sa kanya pero hindi ko magawa. Kailan ko lang din naman kasi nalaman na buhay pa ako. I have been in coma for almost 2 years. Inexplain lang din sa akin ang mga nangyari.

I can't let Ruki see me now. Not now. Sinagot ko na yung ibang mga tanong niya kahapon at sa tingin ko sapat na yun. Babalik naman ako pag handa na ako. I'll explain everything to him.

Ruki's POV:)
Alam ko na kailangan ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. After 2 years, akala ko patay na siya. Hindi ko alam kung saan ko pa siya hahanapin.

Ni hindi ko nga alam kung nasaan si Damon e. Napaka mysterious nila. Kailangan ko pa ba ulit siya hintayin bago ko siya makita ulit. Ilang taon pa ang kailangan kong ibigay sa kanya bago siya tuluyang bumalik.

Sa totoo lang minsan nakakapagod na din maghintay pero kahit anong gawin ko, sinasabi ko pa rin sa sarili ko na kailangan ko siyang hintayin. Kahit wala namang kasiguraduhan na babalik siya.

Gusto ko nang sumuko pero mag parte pa rin sa loob ko na nagsasabi sa akin na hindi pa pwede. Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Bakit ba ako naghihintay nang taong alam kong paghihintayin lang ako nang matagal.

Marami pang babae sa paligid pero alam kong iisa lang siya sa buhay ko. Siya ang pinaka unique na babae sa buhay ko. Sa kanya ko na experience lahat nang pagsasakripisyo na hindi ko ginawa noon nung kasama ko si Marielle.

Mabilis ko lang sinukuan si Marielle noon pero minahal ko pa din siya makalipas nang ilang taon. Nung dumating sa buhay ko si Ziah, nagbago ang lahat. Marami akong natutunan na hindi ko natutunan kay Marielle.

Hindi ko alam kung paano nagawa ni Ziah yun pero nagbago ako nang dahil sa kanya. Hindi ko nga siya maiwan iwan e. Kahit na wala akong kasiguraduhan na buhay pa siga noon, hindi pa din ako makapag move on.

Ayoko. Pilitin ko man ang sarili ko, lagi akong umaayaw. Marami nang babae ang dumating sa buhay ko pero wala pa rin akong pake sa kanila. Walang ibang papalit kay Ziah sa buhay ko. Kahit alam kong hindi na siya babalik. Hihintayin ko pa din siya.

Mukha akong tanga kapag ginawa ko yun diba? Mag mukha na akong tanga at lahat lahat pero si Ziah lang talaga ang mamahalin ko buong buhay ko. Wala nang makakapagpabago doon.

Mag mahal man siya nang ibang lalaki siya pa din ang mahal ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang ipagpalit sa iba.

Di ko napansin na kanina pa ako nakatitig sa kama niya. Siguro nga kailangan niya pa nang oras para makapagisip isip. Babalik naman siguro siya kapag handa na siya.

Susunduin pa ako dito ni Jin. Hindi ko alam kung nakarating na ba siya o hindi. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kama ni Ziah. Hindi alam ni Jin na buhay pa si Ziah. Isa si Jin sa mga taong nagbago. Naging tahimik na siya nung namatay si Ziah pero nagiging maingay yan kapag may masayang nangyayari.

Lumabas na ako nang kwarto ni Ziah. Iniwan ko na dun yung mga bulaklak na pinitas ko dahil baka sakaling bumalik si Ziah. Naglakad na ako palabas nang hospital.

Wala pa si Jin kaya naupo muna ako doon sa may waiting shed nang hospital. Hihintayin ko si Ziah kahit gaano pa katagal yan. Nakakapagod man maghintay pero handa akong maghintay.

Ilang taon man ang hintayin ko pero alam kong maghihintay ako para sa kanya. Ganon naman talaga diba? Pag mahal mo yung tao, hihintayin mo.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! send a follow request on my twitter account: @/xrhkx.

——— TO BE CONTINUED ———hi! i hope that you enjoyed reading this chapter! send a follow request on my twitter account: @/xrhkx

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now