Chapter 16

944 36 1
                                    

ONE DAY LATER.
Ziah's POV:)
Nagising ako dahil sa alarm ko. It's 8 AM and kailangan kong kitain si Kuya Javier by 9. Nakita ko ding may iniwan na text message sa akin si Kit.

Binaba ko naman yung phone ko sa may table ko. Mamaya ko na lang titignan yung message ni Kit pagkatapos kong maligo. I'm sure it's an update on Kuya Zander.

Tumayo ako muka sa kama ko at dumiretso ako sa banyo ko. Naligo ako nang mabilis at nagbihis. I'm nervous but at the same time masaya ako. I'll finally be able to see my brothers again.

Kinuha ko naman yung phone ko mula sa lamesa ko at binuksan yung text message na nanggaling kay Kit.

Kit
Kit [ Alam mo yung Zander na yun, napaka asshole talaga pero I managed to tell him to meet you up. 12 PM sa coffee shop din. ]

Ziah [ Why? What happened? ]

Kit [ Nag gaguhan lang kami kahapon. I told Javier na nakasuot ka ng black cap. ]

Ziah [ Taray, nag gaguhan. Anong feeling? Joke. Sige. I'll wear my black cap. ]

Kit [ Nakakairita siya. Sarap niyang patalim kahapon. Paki bago yung ugali niyan ah! Kasi pag hindi, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko, sasakalin ko na talaga yan. ]
Seen

Natawa naman ako sa text message ni Kit. Hindi siguro sila nagkasundo ni Kuya Zander kahapon. Sungit din naman kasi nun minsan. Akala mo may menstration.

Kinuha ko yung black cap ko na at agad ko naman itong sinuot.

Umalis na ako sa condo ko at nagsimula nang naglakad papunta sa coffee shop. Agad naman akong nakarating dun. Nung nakarating ako dun, naupo ako malapit sa bintana.

May nakasuot ako na earphones sa tenga ko dahil may ilang minuto pa naman ako bago mag 9. Natatakot ako sa sasabihin ni Kuya pero at the same time gusto ko na siyang makita.

Nagulat naman ako nang may biglang umupo sa harap ko, mukhan si Kuya na to. Kaya ko to. Sana tanggapin pa rin ako ni Kuya pagkatapos nito.

Naka mask ako tsaka black na cap kaya hindi niya muna ako agad na makikilala. Tumingin ako sa kanya at inobserba ko ang mukha niya. Namiss ko na yung mukha ni Kuya Javier.

Tinanggal ko ang suot kong earphones at nilagay ito sa bag ko. Mukhang ino-obserbahan niya din ako. Ang alam niya, isa lang tong fixed date na ginawa ni Kit.

Alam ko namang ayaw ni Kuya sa mga fixed dates na ganito e. I also know that he's a busy person, naglalaan lang siya nang oras para sa mga ganito dahil ayaw niyang mapahiya si Kit.

"So how about we just leave each other some good impressions doon sa taong nagayos nitong date na to and we're done. Alam ko naman pinilit ka din ni Kit dito e. He always tends to do that. Hindi naman talaga natin kailangan makipagdate. I know this may sound rude or I may sound boring. I really don't want to be here right now. I'm a very busy person and sadly I wouldn't have time for this." Sabi ni Kuya Javier

Hindi pa rin siya nagbabago. Mabait pa din siya and he's being considerate. Masaya ako na he grew up to be like this.

"But you do have some time for your sister, right?" Tanong ko bago ko tinanggal yung cap ko tsaka yung mask ko

Nanlaki naman ang mga mata niya. I gave him my most genuine smile. I missed him so much.

"Z-Ziah?" Tanong ni Kuya Javier

Tumango naman ako. Napatayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Nagulat naman ako nung bigla niya akong niyakap. Hindi naman sa first time kong mayakap no pero Kuya Javier doesn't like hugs.

"Buhay ka? Paano?" Tanong ni Kuya bago siya naupo ulit

"Niligtas ako ni Damon. I was lucky that I still survived. Akala ko mamamatay na ako nung mga oras na yun. I had been in comatose for almost 2 years. Damon didn't want to give up on the fact that I would still be able to wake up. I fought for my life and here I am." Sagot ko

Kuya never fails to amuse me in every way and I'm happy that he's happy to see me. Natatakot ako nung una pero I realized na there's nothing to be afraid of.

"That's why he went missing. He didn't contact any of us. He didn't even show up on anything even after you died. We thought na he just accepted the fact na you're dead. How is he doing?" Sabi ni Javier

He still worries for everybody.

"He's been taking care of me that's why he's been missing, you know Damon when he does something. He doesn't want to be bothered. Siya lang din naman ang nakakaalam na hindi ako namatay e. He's doing well." Sabi ko

Tumango naman siya.

"Akala ko kasi pinabayaan niya na yung sarili niya e. I'm actually thankful that he took care of you. You've grown up to be a fine woman. Nakita mo na ba si Ruki?" Sabi ni Kuya Javier

Knowing Damon, hindi niya papabayaan ang sarili niya dahil kahit anong mangyari, he always stayed strong. Masaya ako kasi nakilala ko siya.

"Mhm, nakita ko na si Ruki sa hospital. Nagulat nga ako na nandoon siya e. I was in a coma that's why hindi ko alam kung anong nangyari kay Ruki. He hasn't been taking care of himself lately." Sabi ko.

Natawa naman si Kuya Javier.

"Kilala mo naman si Ruki diba? Sobrang pabaya nun sa sarili niya at simula nung namatay ka, he didn't care about anything anymore, not even his own health. I'm glad that you're back." Sabi ni Kuya Javier

Tama nga siya.

"I'll make sure that he takes care of his health from now on. I'm going to make him happy." Sabi ko

Napangiti naman siya bago siya huminga nang malalim.

"After all these years, you two still managed to be so in love with each other. Masaya ako dahil nakilala niyo ang isa't isa." Sabi ni Kuya Javier

I missed the sincerity in Kuya's voice. Namiss ko siya nang sobra. Masaya ako na sinusupportahan niya pa din kami despite yung mga nangyari sa amin these past few years.

Tumingin naman si Kuya sa watch niya at bigla namang nanlaki ang mga mata niya. Tinignan ko siya nang may pagtataka. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Ziah, I have to go to work. I have a meeting. I'm late. Why don't I take you out to dinner later? Ask Kit for my number. Ingat ka, okay? I'll kill you if something happens." Sabi ni Kuya Javier bago siya umalis

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter love!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now