Chapter 13

923 37 1
                                    

Kit's POV:)
Ngayon yung araw na magkikita kami ni Ziah, aayusin ko ang relasyon namin sa isa't isa. Naging sarado kasi ang isip ko nung nage-explain siya sa akin.

I have to admit it though, sobrang dami ko nang naging kasalanan sa kanya. Pinili niya akong intindihin sa kabila ng lahat nang yun. Bakit? Kasi best friend niya ako. Hindi niya ako kayang tiisin.

Sobrang dami ko na ring masasakit na salita na nasabi sa kanya pero anong ginawa niya? Tiniis niya ang lahat nang iyon. Bakit? Dahil alam niyang dala lang ng galit lahat nang yun. Naintindihan niya ako sa lahat ng bagay pero hindi ko siya nagawang intindihin.

Masakit para sa kanya ang lahat ng yun. Nung pagkadating ko sa coffee shop na pinagkitaan namin. Dito pa lang sa labas ay kitang kita ko na siya. Hawak hawak niya ang kanyang cellphone. Nanginginig din siya. Halatang kinakabahan siya.

Ako din naman, kinakabahan din ako. Sinigawan ko siya kahapon tapos ang kapal ng mukha kong humarap sa kanya ngayon. Sabi naman ni Ruki, handa naman magpatawad si Ziah e.

Pumasok na ako sa coffee shop at agad na lumapit sa kanya. Huminga siya nang malalim. Nung napansin niya na nakarating na ako, biglang nanlaki ang mga mata niya.

Naupo ako sa harap niya. Namiss ko na siya. Ang tanga ko naman kasi e. Hindi ko manlang siya inintindi. Kailangan niya ako pero wala. Nagalit lang ako sa kanya.

"K-Kit." Nauutal na sabi ni Ziah

Halatang kinakabahan pa rin siya. Feeling ko nga nagkaroon na siya nang takot sa akin simula nung sinigawan ko siya e. Sa sandaling yun, medyo natakot din ako sa sarili ko. Hindi ko aakalaing magagawa ko yun.

Never pa akong nagalit nang sobra sobra pero nung araw na yun, sobrang lakas na talaga nang tama ko sa utak. Ngayon ko lang nalaman na nakakatakot pala ako magalit. Dapat pinigilan ko na lang yung sarili ko imbes na naiinis ako sa sarili ko ngayon.

"I-I'm sorry. Hindi ko naisip yung mga nararamdaman mo kahapon. Pinaintindi na sa akin ni Ruki lahat kahapon at sobrang nainis talaga ako sa sarili ko nun. Natakot din ako sa sarili ko, Ziah. Hindi ko na nakilala ang sarili ko nun. Hindi ko sinasadya. Dapat inintindi ko na lang yung nararamdaman mo imbes na magalit ako, naging makasarili ako. Patawarin mo ako. Hindi ko naisip na dapat nandito ako para sayo at inintindi ka pero ako pa mismo ang hindi makaintindi sayo. Best friend mo ako pero anong ginawa ko? Hindi ko din mapapatawad ang sarili ko. Kailangan mo ako at dapat nandito ako para sa iyo. Sorry. Masaya naman talaga ako na buhay ka Ziah. Sinisi ko ang sarili ko nung araw na yun dahil hindi kita naprotektahan. Dapat prinotektahan kita pero wala. Nahuli ako." Sabi ko habang pinipigilang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko

Hindi ko siya magawang tignan. Nagu-guilty ako sa mga ginawa ko. Nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa akin.

"Ayos lang. Kasalanan ko din naman e na nawala ako ng matagal. Aaminin ko, nagulat ako nung nagalit ka. Natakot din ako dahil akala ko hindi mo na ako maiintindihan. Naintindihan ko rin naman yung side mo. May kasalanan din naman ako pero umasa talaga ako na ikaw ang unang taong makakaintindi sa akin kasi best friend kita. Nasaktan ako sa mga sinabi mo nung araw na yun pero kahit anong gawin mo papatawarin pa rin kita. Ikaw lang naman kasi ang nagiisang best friend ko. Wala akong karapatan na magalit sayo dahil alam kong tama ka din. Hindi mo nama ako kailangang protektahan dahil sapat na para sa akin yung nandyan ka. Sorry kasi tinago ko sayo na buhay ako. Hindi naman talaga yun yung intensyon ko e. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa iyo na buhay ako. Mahirap din kasing tanggapin yun e. Masaya ako dahil nagawa mo akong maintindihan kahit papaano." Sabi ni Ziah habang nakayakap siya saakin, umiiyak din siya pero alam kong masaya siya ngayon

"Anong klaseng tulong ba yung kailangan mo?" Tanong ko

Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin at bumalik na siya ulit sa kinauupuan niya.

"Pwede bang tulungan mo ako kayla Kuya. Gusto ko na kasing sabihin sa kanila na buhay pa ako e." Sagot ni Ziah

Madali lang naman pala yung gusto niyang gawin. Naging kaclose ko na naman yung mga Kuya niya e. Simula nung umalis siya nang bansa noon.

"Tutulungan kita pero pwede din ba ako manghingi nang pabor?" Tanong ko

Tumingin naman siya sa akin nang may pagtataka sa kanya mga mata.

"I need to get Kylee back. Tinulak ko kasi siya palayo nung namatay ka e. Tulungan mo ako pagkatapos kitang tulungan." Sabi ko

Bigla naman siyang ngumiti.

"Of course, I'll help you get the girl." Sabi ni Ziah

Nakahinga naman ako nang maluwag. Salamat. Nagkaayos na din kami ni Ziah. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at niyakap siya.

"Sisimulan na kitang tulungan ngayon. Ite-text na lang kita kung kailan ka na pwedeng makipagkita sa mga Kuya mo. Sure naman akong maiintindihan ka nila e. Sila pa. Mahal ka naman nang mga yun e." Sabi ko.

Tumango naman siya bilang tugon bago niya ako nginitian ulit. Nagbago na si Ziah. Dati sobrang daldal niyan, ngayon patango tango na lang siya sa akin. Namimiss ko na yung mga kwento niya.

Sana may mangyari sa kanya na ikakasasaya niya pagkatapos nito. Namimiss ko na kasi yung mga ngiti niya. After all yun din naman talaga yung deserve niya. She deserves to be happy. After all the pain that she had experienced.

Nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan ko pang pumunta kung saan nagta-trabaho yung mga Kuya niya, kailangan ko silang kausapin. Nag leave din ako sa trabaho ko para dito.

——— TO BE CONTINUED ———
hi!
i hope that you enjoyed reading this chapter! if you have any suggestions you may leave a comment in the comment section!

thanks,
X

In his arms (BOOK 3, COMPLETED)Where stories live. Discover now